(30) #TMMTH2Parents

1K 75 0
                                    

LOUISE'S POV

Minulat ko ang mga mata ko.


Pagmulat ko ay medyo maliwanag at may nakita akong isang magandang tanawin.


Wow! Ang ganda naman ng paligid. Parang nasa isa akong malawak na lupain.


Pero nasaan ako? Hindi ko alam ang lugar na 'to. At nasaan si Billy?


"Hubby ko?" tawag ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot.


"Hubby ko? Nasaan ka na ba?" tawag ko ulit.


Paano kaya ako napadpad dito? Nakapagtataka naman. Wala naman akong naalalang dinala ako rito ni Billy.


"Anak."


May narinig akong isang boses ng babae. Saan kaya galing yun? Ako ba ang tinatawag niya?


"Anak. Nandito kami ng Papa mo."


Hinanap ko ang boses ng babae.


At laking gulat ko na lang makita ko si Papa na kasama si Mama. Hindi ko mapigilang mapaluha sa tuwa.


"Ma! Pa!" masayang sabi ko at nilapitan ko sila.


Pagkalapit ko ay agad ko silang nilapitan. Hindi ko alam kung paano nangyari 'to pero sobrang saya ko nang makita ko sila.


"Na-miss ko kayong dalawa." masayang sabi ko sa kanila.


"Na-miss ka rin namin anak, lalo na yung Mama mo." tugon sa'kin ni Dad.


"Na-miss ka namin anak." narinig ko namang sabi ni Mama.


Ngayon lang ako ganito kasaya dahil kasama ko na ang mga magulang ko.


Noong pinanganak pa lang ako ay walang akong chance na makasama ko sila dahil ulila ako that time. Sina Tita at ang pinsan kong si Charisse lang ang palagi kong nakakasama. Pero hindi nila pinaramdam sa akin na pamilya ko sila. Trinato lang nila akong isang kasambahay, hanggang sa pinalayas nila ako dahil sa isang mababaw na kasalanan.


Pero kahit pinalayas nila ako ay dumating naman sa akin ang tatlong hunks na nagparamdam sa aking kabilang ako sa kanilang pamilya. Nagkaroon din ako ng mga kaibigang dadamayan ako kapag may problema ako. At dumating din sa buhay ko ang lalaking mamahalin at makakasama ko habangbuhay.


Pero ngayon na kasama ko na ang mga magulang ko ay iba pa rin talaga kapag nandito sila.


Naglakad kaming tatlo habang magkahawak ang aming mga kamay.


"Kumusta ka na anak?" tanong sa'kin ni Mama.


"Ayos lang po ako Mama. Kahit may mga pagsubok sa buhay ko ay nalalampasan ko rin naman ito kasama ang mga taong nagmamahal sa akin." sagot ko sa kanya.

The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon