LOUISE'S POV
Papunta ako sa Dyosa's Cafe dahil i-me-meet ko ngayon si Jameshin. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang makipagkita sa akin ngayon. Matagal ko na rin siya hindi nakikita sa personal dahil masyado siyang busy.
Nang makapagbihis na ako ay nagpahatid ako sa driver papuntang Dyosa's Cafe.
Hindi na ako nagpaalam pa sa asawa ko dahil nasa trabaho siya ngayon. Siguro naman ay hindi niya malalaman na kasama ko ngayon si Jameshin. Baka magselos lang siya at sumugod sa amin.
Pagkarating ko sa Dyosa's Cafe ay pumasok ako do'n at nakita ko si Jameshin na naghihintay sa'kin.
"You're one minute late." bungad sa'kin ni Jameshin.
"Parang one minute lang ay bini-big deal mo na." sabi ko sa kanya at umupo na ako. Bale magkarap kaming dalawa.
"Bakit mo pala ako pinapunta rito?" tanong ko sa kanya.
"Bago muna yan ay umorder muna tayo ng kape." sabi niya sa'kin.
Pumila naman kami ni Jameshin sa counter para umorder ng kape.
Pero pagpila namin ay nagulat ako nang makita ko si Billy. Pati nga siya ay nagulat din nang makita niya ako. Nakalimutan ko palang dito siya nagtatrabaho. Patay na.
Ito pala ang sinasabi kong trabaho niya na 25K per week ang sweldo. Ang galante talaga ng may-ari nito. Siguro ay malaki ang kinikita niya rito.
Si Billy din ang mukha o model ng Dyosa's Cafe. Makikita niyo ang ad-poster niya sa tapat ng Cafe. Masyado akong nagmadali kanina kaya hindi ko napansin ang ad-poster niya. Hindi ko tuloy naisip na dito pala siya nagtatrababo.
"Anong ginagawa mo rito wifey ko?" tanong sa'kin ni Billy.
"E-eh k-kasi ano..."
Hindi tuloy ako makasagot dahil sa kaba.
"Kasama ko siya Idol Billy."
Nagulat ako nang magsalita si Jameshin na nasa likod ko.
"Ikaw pala bro. Ba't mo naman kasama ang asawa ko?" parang seryosong tanong ni Billy kay Jameshin.
"May sasabihin sana ako sa kanya pero sa aming dalawa lang yun." sagot ni Jameshin sa asawa ko.
"Siguraduhin mo lang na kakausapin mo lang siya. Kung may nakita man akong hindi maganda ay pasa ang aabutin mo sa akin." kunwaring seryosong sabi ng asawa ko kay Jameshin. Pero alam kong hindi siya seryoso do'n. Alam kong pananakot lang niya yun kay Jameshin. Sinabihan ko ang asawa kong huwag manakit kapag mababaw lang ang dahilan.
"Bro, chill ka lang. Hindi ko naman type yang asawa mo. Masyadong maliit ang boobs niya para sa akin." - Jameshin
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. Present
RomansLife after marriage. 📌 MAIN CHARACTERS: Louise De Guzman-Williams Billy Williams SUPPORTING CHARACTERS: Fredison Mirko James Charles Kateleen Keet Kathleen Keet Samantha Moore