(25) #TMMTH2BoardingHouse

1K 75 1
                                    

LOUISE'S POV

"It's a baby girl guys." sabi ko kina Kate, James at Fredison.


"Wow! Tama ba ang narinig ko?"


Napatingin kaming lahat sa nagsalita.


"Waaaaa! Twin sis!" masayang sabi ni Kate sabay yakap niya kay Ate Kathleen. "Na-miss kita." dagdag pa niya.


"Na-miss din kita Twin sis." tugon naman ni Ate Kathleen.


Napatingin naman ako Fredison.


Iba ang ngiti niya nang makita niya si Ate Kathleen. Iba talaga kapag in love.


Humiwalay naman sa yakap si Ate Kathleen at tinignan niya si Fredison.


"Hi my love." nakangiting bati ni Ate Kathleen kay Fredison at nilapitan niya ito. Pagkatapos ay hinalikan niya si Fredison sa labi. Sa harap pa talaga namin.


"Mukhang masusundan agad nila ang kanilang panganay." sabi ni James na ikinatawa naming lahat.


Humiwalay naman si Ate Kathleen kay Fredison at lumapit siya sa'min ni Billy.


"Congrats to both of you." sabi ni Ate Kathleen sa'min ni Billy at hinawakan niya ang kamay ko.


"Salamat Ate Kathleen at welcome back sa'yo." tugon ko sa kanya.


Masaya kaming nagkwentuhan sa sala. Kinuwento rin namin ang nangyari sa amin dito habang wala siya. Nainis nga si Ate Kathleen nang ikuwento ko sa kanya ang tungkol sa kasamaan ni Samantha.


Pero masaya talaga kami na nandito na si Ate Kathleen. Parang kumpleto na ang boarding house namin.


"Since matagal akong nawala dito sa Pilipinas ay kakain tayo sa labas. My treat." sabi ni Ate Kathleen na ikinatuwa namin.


"YEAH!" masaya naming sabi.


Pumunta kami sa isang restobar hindi lang para kumain, kundi pati na rin magsaya. May mga VIP rooms din dito na pwede sa magkakaibigan lang o sa magpamilya. Syempre hindi pwedeng mawala ang karaoke dito.


"Tatakbo, tatalon, 'sisigaw ang pangalan mo. Iisipin na lang, panaginip lahat ng ito. 🎤" sabay-sabay naming kanta. Sina James at Kate ang may hawak ng mic.


"O, bakit ba kailangan pang umalis? Pakiusap lang na 'wag ka nang lumihis. Tayo'y mag-usap, teka lang, ika'y huminto. 'Wag mo 'kong iwan, aayusin natin 'to. Daling sabihin na ayaw mo na. Pero pinag-isipan mo ba? 🎤"


Sobrang saya talaga namin. Sana ganito na lang parati kahit na may dumarating na problema sa'min.


"Lapit nang lapit, ako'y lalapit. Layo nang layo, ba't ka lumalayo? Labo nang labo, ika'y malabo. Malabo, tayo'y malabo."


SAMANTHA'S POV

Habang sila ay nagpapakasaya. Ako naman ay gagawin ko na ang mga plano ko. Uunahin ko muna ang kanilang pinakamamahal na boarding house. Inutusan ko lang naman ang mga tauhan ko na sunugin yun. Gusto ko muna silang magkahiwa-hiwalay.


*krrriiiiiinnnnnggggg!*


Biglang tumunog ang phone ko. Isa sa mga tauhan ko ang tumawag.


"Ayos na ba ang pinagagawa ko?" tanong ko sa tauhan ko.


("Opo Ma'am. Sinunog na namin ang boarding house.") sagot niya na ikinangiti.


"Good." tugon ko sa kanya.


Excited na ako sa magiging reaksyon nila pag-uwi.


LOUISE'S POV

"Tatakbo, tatalon, 'sisigaw ang pangalan mo. Iisipin na lang, panaginip lahat ng ito. 🎤" kanta namin habang pauwi na kami sa boarding house. Hindi pa rin kami maka-get over kanina sa restobar. Ang saya lang.


Sa hindi ko alam na kadahilanan, biglang tumigil sa pagmamaneho si James.


"Teka guys, nakikita niyo ba ang nakikita ko?" tanong ni James habang nakatingin siya sa kalayuan.


Napatingin naman kami sa kanyang tinitignan.


"Ha? Wala naman kaming nakikita." sabi ni Billy. Kahit ako nga rin eh walang makita. Siguro dahil tinted yung kotse na ginamit namin.


"May nakikita akong usok. Parang galing sa boarding house natin." sabi ni James.


Nagkatinginan kaming lahat, hanggang sa bigla na lang kami natauhan.


"Paandarin mo ang kotse cutiepie. Bilis!" utos ni Kate kay James.


Agad na pinaandar ni James ang kotse.


Pagkarating namin sa boarding house ay nagulat kaming lahat nang makita namin itong nasusunog.


"Tumawag kayo ng bumbero." utos ni Billy.


Agad namang tumawag si Fredison.


Paano nangyari 'to?

**********

The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon