LOUISE'S POV
Boring. Wala kasi akong makausap. Umalis kasi si Jameshin sa tabi ko. Anong klaseng ka-date siya? Napaka-ungentleman talaga niya.
Mayroon namang gusto kumausap sa'kin pero puro lalaki ito at hinihingi pa nila ang number ko. Sorry sila pero taken na ako. :-D
Although gusto nang makipaghiwalay sa'kin ang asawa ko. :-(
"It's 11:30pm ladies and gentlemen. Get up from your chair and find your destiny." - MC
Find your destiny daw. May ganern pa talaga. Iisa lang naman ang destiny ko. Alam niyo naman kung sino yun.
Hindi sana ako sasayaw at kakain na lang ako pero pinatayo ako ng MC, kaya wala na akong magawa. Nasaan na kasi si Jameshin? Walang kwentang date.
Kung kani-kaninong lalaki ako sinasayaw. Naaapakan ko na nga ang mga paa nila dahil sa inis. Ang daming manyakis na humihingi ng number sa'kin lalo na yung mga sugar daddies. Eww! Kaderder sila.
"Change!" sabi ng MC.
At pinasa na nga ako ng ka-partner ko sa ibang lalaki.
Medyo bata naman ang nakapartner ko. At pamilyar pa. Hindi ako nagkakamali. Si Jameshin 'to. Sa suot pa lang niya eh.
"Uhmmm!" - Jameshin
"Ahhmm!"
"Uuhhmm!" - Jameshin
"Ahhhmm!"
Puro uhhmm ahhmm na lang ang nasasabi namin dahil wala kaming naiisip na topic.
"Uhhmmm!" - Jameshin
"Aahhmm!"
"Do you like ice cream?" out of the blue niyang tanong. Muntik na nga akong matawa eh.
"Oo, lalo na't buntis ako ngayon. Nacracrave ako bigla sa ice cream." sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. Present
RomanceLife after marriage. 📌 MAIN CHARACTERS: Louise De Guzman-Williams Billy Williams SUPPORTING CHARACTERS: Fredison Mirko James Charles Kateleen Keet Kathleen Keet Samantha Moore