LOUISE'S POV
Napabangon ako bigla sa kama. Akala ko totoo pero panaginip lang pala.
Napanaginipan ko si Billy na masaya sa piling ni Samantha. Hanggang sa panaginip ba naman ay hindi ako tinatantanan ng Samanthang yun? Nakakagigil!
Napansin kong wala na si Billy sa tabi ko. Siguro nasa taping na siya.
"Gago ka pala eh!"
Halos lumundag ang puso ko nang may narinig akong sigaw.
Si Fredison.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba.
Halos manlaki ang mga mata nang makita ko sina Fredison at James na pinagbubugbog si Billy habang inaawat sila ni Kate.
Agad akong lumapit sa kanila.
"Teka, anong nangyayari? Bakit niyo binubugbog ang asawa ko?" tanong ko sa kanila.
"Isang napakalaking gago yang lalaking yan!" galit na sabi ni Fredison.
"Kulang pa ang suntok na binigay ko sa kanya!" sabi ni James at susugurin niya sana si Billy nang pigilan siya ni Kate.
"Anong bang nangyayari sa inyo? Ang aga-aga, ito agad ang bubungad sa'kin." sabi ko sa kanila.
Napatingin naman ako kay Billy.
"Ayos ka lang ba hubby ko? Bakit ka nila binugbog?" nag-aalalang tanong ko kay Billy.
"Maghiwalay na tayo Louise." - Billy
Bigla akong natigilan sa sinabi ni Billy.
"Ha? A-anong sabi mo?"
Baka mali lang ako ng pagkakarinig.
"Sabi ko maghiwalay na tayo." - Billy
Tama nga ang pagkakarinig ko.
Natawa naman ako sa sinabi ng asawa ko.
"Hahahahaha! Ang lakas mo talagang mang-good time hubby ko." natatawa kong sabi.
Pero napatigil ako sa pagtawa nang ma-realize kong ako lang ang tumatawa.
"Seryoso ako Louise. Gusto ko nang makipaghiwalay sa'yo." sabi ulit ni Billy.
"T-teka, bakit ka makikipaghiwalay sa'kin? May nagawa ba akong mali?" mangiyak-ngiyak kong tanong kay Billy.
![](https://img.wattpad.com/cover/74305244-288-k882394.jpg)
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. Present
RomanceLife after marriage. 📌 MAIN CHARACTERS: Louise De Guzman-Williams Billy Williams SUPPORTING CHARACTERS: Fredison Mirko James Charles Kateleen Keet Kathleen Keet Samantha Moore