(17) #TMMTH2Video

1K 75 3
                                    

LOUISE'S POV

"Be my date."


"Be my date."


"Be my date."


Hanggang ngayon ay nagrereplay pa rin sa isip ko ang sinabi sa'kin ng Jameshin na yun.


"Bes, are you okay? Kanina ka pa tulala." tanong sa'kin ni Kate.


Napahilamos lang ako sa mukha ko.


"Mukhang malalim yata ang iniisip mo." - Kate


"Eh kasi naman nakakainis siya." sabi ko kay Kate.


"Ha? Sino? Si Billy?" tanong niya.


"Hindi." sagot ko.


"Sino naman yang kinaiinisan mo?" - Kate


"Si Jameshin."


"Ha? Yung artista? Hahaha! Bakit naman? May sinabi ba siyang hindi maganda sa asawa mo on national TV?" natatawang tanong ni Kate.


"Syempre hindi." sagot ko.


Napataas naman ang kilay ni Kate.


"Ha? Eh bakit ka naiinis sa kanya?" nagtataka niyang tanong.


"Inaya ba naman niya akong maging date sa Dyosa's Ball." sagot ko na ikinalaki ng mga mata ni Kate.


"Talaga bes? Teka, magkakilala kayong dalawa?" hindi makapaniwalang tanong ni Kate.


"Yup, nakilala ko siya sa mall noong bumibili ako ng ice cream. Ang sama ng ugali niya." frustrated kong sagot.


"Wow! That's effin awesome." sabi sa'kin ni Kate na ikinataas ng kilay ko.


"Anong awesome do'n Kate? Nakakainis kaya siya."


"Lapitin ka talaga ng mga poging artista. Noong una si Fredison, tapos yung asawa mo, tapos ngayon naman ay si Jameshin Faulkerson. Buti na lang at hindi nagka-feelings sa'yo si James." - Kate


"Kasi babaero dati yang asawa mo kaya wala siyang sineseryoso that time. Well seriously! Marami na kayang nakarelasyon noon si James. Kahit 45 years old pinatulan niya." sabi ko kay Kate.


"Well at least sa'kin pa rin ang bagsak niya. At siya rin ang dahilan kaya nakapag-move on ako sa asawa mo." - Kate


Nga pala, nagkagusto pala 'to dati kay Billy. Pero buti na lang at hindi 'to naging kaugali ni Samantha o di kaya'y ni Princess noon na nagbagong-buhay na ngayon.

The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon