(4) #TMMTH2TogetherWithHisEx

1K 82 0
                                    

BILLY'S POV

"Pasensiya na talaga Billy kung naabala ko kayo ng asawa mo. Alam kong may honeymoon kayong dalawa. Pero may mga responsibilidad ka dapat unahin." sabi sa'kin ng manager ko.


"It's okay. Naintindihan naman kita. At saka isang taon na lang kontrata ko rito kaya lulubusin ko na 'to bago ako magpaalam sa showbiz." sabi ko sa manager ko.


"Sigurado ka ba talagang hindi ka na pipirma ng kontrata?" - Manager


"Hindi na siguro. Gusto kong magkaroon ng simpleng buhay kasama ang asawa ko." sagot ko kay manager.


"Nirerespeto ko ang desisyon mo." - Manager


"Alam kong malungkot ka sa naging desisyon ko. Pero naniniwala akong makakahanap ka ng kapalit ko. Ikaw pa na pinakadabest na manager na nakilala ko."


Nakita ko namang naiiyak na ang manager ko.


"Aww! Mukhang ikaw yata ang sobra kong mami-miss sa mga talents ko."


Bigla akong niyakap ng manager ko. Niyakap ko rin siya pabalik.


"Ehem!"


Napatingin naman kami ng manager ko sa umubo.


And I was surprised nang may nakita akong isang pamilyar na mukha.


"Sam?" gulat kong tawag sa kanya.


"Magkakilala kayong dalawa?" biglang tanong ni manager habang nakatingin kay Sam.


"Yes, he's my ahhm old friend." nakangiting sagot ko sabay tingin sa kanya.


"Old friend huh? Long time no see, Billy." - Sam


"Long time no see." tugon ko kay Sam at pinagmasdan ko siya.


She changed a lot at masasabi kong hindi na siya ang Sam na minahal ko noon.


Parang hindi ako apektado sa presence niya ngayon at sa pagbabalik niya.


"Great kung magkakilala kayo. Walang awkward na magaganap at mukhang ready na kayo sa press conference." sabi ng isang lalaking kasama ni Sam.


"Ha? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa lalake.


"Miss Samantha Moore is your new loveteam at siya rin ang makakatambal mo sa upcoming projects mo." sagot sa'kin ng lalaki.


"WHAT?" bigla kong sigaw.


Hindi ako makapaniwalang si Samantha ang magiging bagong loveteam ko sa showbiz.

The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon