SAMANTHA'S POV
I'm so excited na talaga to go to Thailand. Well kasama ko kasi si Billy my loves for our taping. Gosh! At ang exciting pa do'n ay ang bed scene namin. Hihihihihi!
Pero two weeks after pa kami pupunta ng Thailand dahil may tatapusin pa kaming taping here in the Philippines.
Ang tagal naman. Bakit pa kasi pinapatagal ng chakang direktor na yan ang istorya ng movie namin ni Billy my loves? Pwede namang puro kissing scenes and bed scenes na lang ang gawin namin ni Billy araw-araw. O diba? It is good for the viewers lalo na sa mga baduy naming fans. I'm sure kilig na kilig sila kapag yun na lang ang scenes na gawin namin.
*tok tok tok*
Gosh! Panira naman ng moment 'tong kumatok. I'm imagining pa naman sa magiging bed scene namin ni Billy my loves.
Tamad akong pumunta sa may pintuan at binuksan ko ito.
"Billy?"
I was surprised nang makita ko siya rito.
"Sam." tawag niya sa'kin. OMG! Why so husky his voice?
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.
Bigla siyang lumapit sa'kin at hindi ako makapaniwala sa sunod na ginawa niya.
He kissed me.
Oh my god! Oh my god!
Hinahalikan niya ako.
Of course. Tumugon naman ako sa halik niya.
Pagkakataon ko na 'to para maging akin ulit siya.
LOUISE'S POV
Gabi na pero hindi pa rin umuuwi ang asawa ko. Hindi pa ba tapos ang taping nila?
Hindi ako nakadalaw sa kanya kanina dahil nagkasakit bigla si Fredison. Wala kasi rito si Ate Kathleen para mag-alaga sa kanya. Nasa Korea siya ngayon para dalawin ang anak nila ni Fredison. May anak na silang dalawa pero nasa Korea ito. Inaalagaan naman ito ng parents ni Fredison na nasa Korea din.
Sina Kate at James naman ay may lakad. May anak na rin sila pero nasa Australia ito na inaalagaan ng parents ni James.
"Hindi ka pa ba matutulog?"
Napatingin naman ako sa nagsalita.
"Fredison. Bakit nandito ka? Dapat nagpapahinga ka lang sa kama dahil may lagnat ka." sabi ko at hinawakan ko ang noo niya para malaman kung mainit pa ito.
Medyo hindi na masyadong mainit.
"Okay lang ako Louise. Salamat sa pag-aalaga sa'kin." sagot niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. Present
RomanceLife after marriage. 📌 MAIN CHARACTERS: Louise De Guzman-Williams Billy Williams SUPPORTING CHARACTERS: Fredison Mirko James Charles Kateleen Keet Kathleen Keet Samantha Moore