Dea’s POV
“You came back… S-Sin…”
Hindi na niya ko muling nilingon pa pero nanatili pa rin akong nakatayo rito sa harap niya.
Gusto ko sanang tumabi sa kanya at kwentuhan siya ng kahit ano. Gusto ko sanang sabihing sabik na sabik ako sa kanya at kung gaano ako kasaya na andito siya ngayon. At higit sa lahat, gusto ko sanang yakapin siya dahil sobrang namiss ko siya.
But the only problem is that… he hates me.
“Sin…” I whispered. I just can’t believe that he’s already in front of me, and I‘m just a few steps away from him. Pero pakiramdam ko, ang layo niya pa rin sakin. “Sin… how are-“
“Bingi ka ba? Lumayas ka sa harap ko, pwede!?”
“S-Sorry…” Mahinang sabi ko. But I just ignored the bad things he’s telling me. Talagang masaya lang ako sa presensya niya. “It’s good that you’re here again…”
He didn’t respond anymore. Instead, he just stood up and walk towards me.
*LUBB*DUBB*LUBB*DUBB*
Parang slow motion siyang lumalapit sakin habang ang puso ko naman, fast forward sa pagtibok. It’s been years since I last saw him. At parang sasabog ang puso ko ngayon dahil nasa harap ko na siya…
Lahat ng galit na binuo ko laban sa kanya, naglaho sa isang iglap lang. Pero lahat ng nararamdaman ko para sa kanya na matagal ko nang tinapon…
BUMALIK SA ISANG TINGIN NIYA LANG…
*PLAAK!*
I held on to my chest dahil tinapon niya ang manga niya sakin. Pero kahit ginawa niya sakin yun, hindi ko pa rin magawang magalit… Nalaglag sa damuhan ang manga niya at tinitigan ko lang siya. But he just turned his back on me and left… Pwede bang umiyak? Parang ang hirap kasi…
“Dey?” Lumingon ako sa kanya at ngumiti naman siya habang may hawak siyang pagkain sa magkabilang kamay niya. “Is there something wrong? Nakita ko kasing magka-usap kayo ni Sin.”
I smiled, though it’s difficult. “Nothing Den… I just thought he was problematic so I offered help. But…”
“But?”
“Ah, Wala Den…” I smiled again, weakly. “ Let me help you there. ^_^” Lumapit ako kay Denzel at kinuha ang isang box ng pagkain mula sa kanya.
Kumain muna kami ni Den bago bumalik sa classroom. Pero wala na si Sin. Second day pa lang ng klase, pero palagi ng wala si Sin. Mabuti na lang at hindi na kami nagkaroon pa ng class sa next subject namin dahil may pinuntahan daw ang teacher namin so we were dismissed earlier.
Hinatid ako ni Denzel pa-uwi at dumiretso na lang ako sa kwarto ko at nahiga pagkatapos.
Hanggang ngayon, ina-absorb pa lang ng utak ko ang nangyari kanina. Parang hindi pa rin ako makapaniwalang nakikita ko na siya ulit… And thinking about his face, his voice… everything about him, makes me smile right now.
Now you’re wondering kung ano ang meron samin ni Sin? Well, he’s…
He’s my first love…
*FLASHBACK*
Nakabihis ako kasi sabi ng dad, may i-me-meet raw kaming friend niya, no, scratch that… bestfriend pala. And I think kasama niya ang son niya raw? Well, I certainly hope gwapo yung anak dahil pag hindi, mamatay na sila. Psh.
BINABASA MO ANG
That Summer I Fell in Love <3
RomanceOo matalino siya, mabango, mayaman, sikat, at higit sa lahat, GWAPO. Lahat ng katangi-ang hahabulin ng mga babae ay nasa kanya na. Nese kenye ne eng lehet! Lalong lalo na’t galing pa siya sa pamilya ng mga “RAMOA” na may malaking impluwensya sa bans...