TSIFIL//18

25 0 0
                                    

Scar’s POV

Uwaaa sob sob. Pinagalitan na nga ako ng Ms. Malffi na yun, pinagalitan din ako ni Kuya Sky. Eh hindi naman ako nagsinungaling kasi bad yung magsinungaling. Totoo yung sinabi ko tungkol sa mukha ni Ms. Malffi. *pout* Pero ngayong sinabi ko ang totoo, mali na naman. Huhuhuhu! Mabuti nga at hindi na napatawag sina Nica kasi pinaki-usapan ko si Ms. Malfi na ako na lang. Pero pinakita ko kina Nica na ayos lang ako.

“Sa susunod kasi, kung manlalait ka man lang ng guro, galingan mo. Englishin mo para sosyal at hindi magalit sayo,” sermon na naman ni kuya habang nagmamaneho. Siya kasi ang sumundo sakin ngayon kasi pinapunta ko siya rito dahil pinatawag ako. *sob sob*

“Talaga po? Effective ang manlait in English?” naluluha ko paring tanong.

“Yep! Pero seryoso Scar, kelan ka pa ba titino? Katatapos nga lang ng issue na sinuspend ka, tapos ito na naman ngayon? Pasalamat ka pa nga at dahil kay Sin, one day suspended ka lang na inakala ko ay exempted ka.”

Napayuko na lang ako at naglaro sa mga hintuturo ko… na-iiyak ako… kasi galit si kuya… at naguiguilty ako sa kasalanan ko at kasinungalingan ko. Dapat kasi sinabi ko na ang totoo kay kuya.

“Kuya… s-sorry p-po.”

Huminto ang kotse at naramdaman kong yumakap si kuya sakin. “Ito naman… tahan na… sorry na… sorry na kung nagalit man ang kuya… pero kasi…”

“Na-iintindihan ko po kung nagalit ka man kuya… *sob* kasalanan ko naman po eh. *sob* sorry po…”

Naramdaman kong kiniss ako ni kuya sa ulo. “Tahan ka na nga! ‘Di bagay sayo ang umiiyak. Ngiti na ang baby namin.”

“Kuya naman eh… *sob* ‘wag ka ngang ganyan kuya… mas nagi-guilty lalo ako.”

“Oh sige na nga… ganito na lang… kain na lang tayo ng ice cream.”

Napa-angat ako ng ulo at humarap kay kuya. Hindi ko mapigilang magtwinkle ang mga mata ko. “Talaga kuya? Tapos may marshmallows?”

“Oo!”

“Tapos may sprinkles? (*Q*)”

“Yeaboy!”

“Tapos may stick-o? (*Q*)”

“Ow yeah!”

“YEEYY! Oh ano pa ang hinihintay natin kuya? Let’s go na!”

Andito kami sa isang ice cream shop ni kuya kung saan pwede kang pumili ng sarili mong toppings sa ice cream mo. Ang galing noh? Tapos tapos libre pa ni kuya ko Skyler! YEPPIE! ^_^V

Pagkatapos naming kumain ng ice cream, umalis na kami mula sa shop para umuwi. Habang nagmamaneho, napadaan kami sa isang club kung saan may mga lalakeng nagsusuntukan sa labas.

At nakita ko si Sin.

“Kuya kuya kuya kuyaaaa! Ihinto mo ang kotse kuya, ihinto mooo!” nagpapanic na ko sa upu-an ko at hindi ko ina-alis ang tingin ko kay Sin. Hindi ako nagkakamali… si Sinang yun!

“Shit ano ba Scar!? ‘Bat ka nagsisigaw?”

“Basta ihinto mo ang kotse kuyaaaa! Pumreno ka pumreno kaaaa!”

Pagkasigaw ko nun, huminto nga ang kotse pero sumubsob naman ang mukha ko sa harapan sabay untog ang ulo ko. =_= Wala kasi akong seatbelt eh.

“Kuya naman eh, bakit ka biglang pumreno?” reklamo ko sa kanya. Ansakit kasi ng no-o ko, na-untog talaga sa harapan. *pout*

“Gusto mo bang sapukin ki---“

“Eto naman si kuya, hindi na mabiro! He-he.” Ngumisi ako sa kanya at nagdali daling lumabas ng kotse.

That Summer I Fell in Love <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon