Scar's POV
Mahigpit kong niyayakap si Sin. Hehe. Hindi ko kasi talaga mapigilan ang nararamdaman kong saya eh. Hindi ko alam kong bakit, basta masaya akong nandito siya sa harap ko ngayon. Napapapikit pa nga ako oh. Hehehe.
Hindi umi-imik si Sinang. Sa tingin ko nga, parang nanigas si Sinang, eh ni hindi niya nga sinusukli-an ang yakap ko eh. *pout*
Kakalas na sana ako nang bigla kong naramdaman ang no-o niya sa balikat ko at kasunod nun ang dahan-dahang pag-ikot ng mga braso niya sa ibaba ng balikat ko.
"Never ever do that again. Please."
Kumunot naman ang no-o ko sa sinabi ni Sin na halos pabulong kasi nakaba-on ang mukha niya sa balikat ko. "Ang alin, Sin?"
"It scared me."
"Natakot ka sa alin, Sin? Sa mukha nung chowchow? Ikaw talaga, sa cute ka pa natakot eh." *pout*
Bumitaw na si Sinang sakin at hinarap niya ko. Oo nga, mukhang takot na takot nga ang mga mata niya. At ngayon ko lang siya nakita ng ganito ka takot. Si Sinang talaga, ang bakla.
"I thought I was gonna hit you back there. I thought-- ugh!" Napayuko siya, "please, don't ever scare me like that, Scar."
Parang bigla naman akong kinilabutan nung sinabi niya yung pangalan ko. Ito yung unang beses na sinambit niya yung pangalan ko. Ito yung unang beses na tinawag niya ko sa pangalan ko.
*Iling-iling*
Hehehe, hindi pala. Pangalawa pala 'to kasi tinawag niya rin ako sa pangalan ko kanina nung galit na galit siyang nagsisigaw sakin. ^_^
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya gamit ng mga palad ko at pinaharap ko siya sakin. "Hehehe," natawa ako sa mukha niya nung ipinress ko ang mga palad ko sa magkabilang pisngi niya. Parang angry bird eh. Napanguso siya kasi ng 'di sa oras. Hehehe. Kumunot tuloy no-o ni Sinang. "Sorry, Sinang ha? Promise ko hindi na ko magpapakita ng chowchow sayo. Hindi ko naman kasi alam na takot ka pala sa mga chowchow eh. Siguro kinagat ka dati ng isang chowchow noh, tapos na trauma ka na? Kawawa ka naman pala Sinang eh." *pout*
Hinawakan niya ang mga kamay kong naka-press pa sa mga pisngi niya at mahinang tinanggal sa mukha niya. "Stupid. You really think I'm scared of a dog? Shit." Tanong niya na parang hindi makapaniwala at may kasamang medyo nandidiring tingin.
*POUT*
Tumawa siya ng mahina habang umi-iling iling ng ulo at nagsalita na may ngiting parang nagpipigil lang ng tawa. Pinagtatawanan lang ako ni Sinang eh. "Okay, okay. Sorry for the bad word, but that wasn't meant for you, okay? Now, remove that cute pout of yours already and replace it with your silly grin."
"Niloloko mo ko Sinang eh."
Tumawa siya ulit ng mahina, "come on, let's get in the car first."
Pumasok kami sa kotse niya. Hehehe, nasa gitna pa pala kami ng daan ni Sinang. Hehe.
"And where were you actually going?", tanong niya nung nagsimula na siyang magmaneho.
"Sa bahay niyo, Sinang!" Sagot ko na ngiting ngiting nakaharap sa kanya.
"And what made you think you were walking the right path?" Tanong niya na nakataas ang isang kilay at tumingin sakin ng isang beses.
"Hehehe, kasi Sinang--" nahinto ako nung biglang pumasok sa isip ko ang isang fact: Hindi ko pala talaga alam kung asan bahay ni Sinang.
"Now I'm really convinced that you act before you think; and a lot of times, you don't think at all." Sasagot pa sana ako para kontrahin ang mga sinabi niya tungkol sakin. Pero isinara ko na lang ang bunganga ko nung tinuloy niya ang sasabihin niya sabay tingin sakin ng masama, "and that what puts you into trouble, silly."
BINABASA MO ANG
That Summer I Fell in Love <3
RomanceOo matalino siya, mabango, mayaman, sikat, at higit sa lahat, GWAPO. Lahat ng katangi-ang hahabulin ng mga babae ay nasa kanya na. Nese kenye ne eng lehet! Lalong lalo na’t galing pa siya sa pamilya ng mga “RAMOA” na may malaking impluwensya sa bans...