TSIFIL // 6

78 3 0
                                    

Anica’s POV

“Hanubayan Nica! Nakakalungkot naman isiping idinrop ng demonyong guro si Scar! Tsk!” Reklamo ni Patch habang iniling-iling ang ulo.

Our class has just ended and we’re on our way to the parking lot.

“Yah Patch... I wonder who drove her home.” Pag hindi siya kasi sinusundo ni kuya Sky dito sa school, it’s either me or Patch drives her home. Kawawa naman ang baby Scar kooooo!

“Parang gusto ko tuloy balatan ang lintek na gurong yun at ipakain ang mga laman niya sa mga langgam at sa iba pang insekto!” She rubbed her palms with each other. Then she laughed evilly. “Bwahahaha! Tama… Tama! Babalatan ko siya gamit ang isang maliit na blade pa-unti-unti at kukucharahin ko palabas ang mga eyeballs niya… Tama… bwahahaha.”

EEEEEKK! ‘Bat ba palaging nakakatakot si Patch!? Sabagay. Parang hindi pa tayo nasanay sa babaeng yan. Ganyan naman talaga yan.

“Nica!”

“Ay frog at spider!” Shocks! Why does this guy always show up all so sudden!? I faced him. “What do you want na naman ba Ridge!?”

He smiled. “Ang cute mo talaga pagnagugulat!” He attempted to pinch my cheek but I brushed his hand away.

“If you have some matters concerning me, then spit it out already then bring your face anywhere away from me! Hmp!”

Ridge chuckled and Patch just rolled her eyes. Hindi naman sila nagulat. Natural na ‘to samin kasi. Sheesh! I’m so stressed na!

“O.A. ka talaga kahit kelan Nica. Haha. Ay bahala na nga kayo diyan!” Biglang sabi ni Patch at nagbeso sakin. “Ma-uuna na ko sa inyo.” Then she faced Ridge. “Oy bol, ingatan mo ha! *wink!*”

Ridge chuckled. “Ayos bol. Ingat ka diyan!” Sagot ni Ridge at tuluyan ng umalis si Patch papuntang kotse niya.

“Want me to drive you home?”

Lumingon ako kay Ridge at tinaasan siya ng isang kilay. “Oh shut up Ridge! I brought my car!”

“Sayang naman! Gusto ko pa sanang makihapunan sa inyo eh! Panigurado, ikaw na naman magluluto nito!”

Argh! As expected! I usually cook kasi during Fridays at home for dinner. And Ridge loves my dishes. Too bad, he loves my dishes only.

I ignored him and started to walk away from him. But he did something that made my heart beat faster…

Umakma akong tumalikod na para umalis pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

*LUBBDUBB*LUBBDUBB*

DAMN…

Heto na naman. Hinayaan ko na naman ang sarili kong mas mapalapit sa kanya… Bakit ba kasi ganito? Nung mga bata pa kami, parang wala naman sakin na hawakan niya ang kamay ko… Pero ngayon, ibang iba na.

“W-where are we going?”

Lumingon siya na nakangiti. “…to your car?”

=____=

Akala ko kung saan na. Sayang. Nag-slow motion pa naman oh. Pinapa-uwi niya lang pala ako. Tsk!

I pulled my hand from him. “Ano ba!? I know how to walk to my car alone naman eh! ‘Wag ka na ngang maki-epal!”

“Eh sinasamahan ka na nga papuntang kotse mo eh. Ano bang masama dun?”

That Summer I Fell in Love <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon