TSIFIL // 10

50 1 0
                                    

Scar’s POV

“Scar?” Nakatayo siya sa harap ko sa may pintu-an ng studio at kumunot ang no-o niya.

“Yo, Dea…” mahina kong sabi pero nakangiti pa rin ng bahagya. Napapa-isip nga ko, bakit parang hindi naman ako nagagalit kay Dea sa kabila ng nangyayari sa kanila ni Christian ngayon? Dapat nga ba akong magalit? Pero hindi ko naman nararamdaman sa kanya yon. Kasi… kasi kaibigan ko siya.

“What brought you here?”Tanong niya na nakataas ang isang kilay.

Hindi muna ako sumagot. Pumasok ako sa loob ng studio at sumunod naman siya. Nung nasa loob na kami, hindi siya nagsalita pero tiningnan niya lang ako ng masama.

“Oy Dea…” matamlay natawag ko ulit at nakatingin lang sa kanya. Sa totoo lang, gusto ko lang namang kausapin siya sincerely tungkol kay Christian… gusto ko lang ng closure. Kahit wala na akong kinalaman pa sa kanila, gusto ko ng closure para sa sarili ko, para guma-an na itong pakiramdam ko. “Ano kasi… Alam ko ng kayo na ni Christian at---“

“So alam mo na pala…”Pagputol niya sakin na naka cross ang arms at nakata-as ang isang kilay. “Mabuti naman at alam mo na nang sa ganun, tumigil ka na sa paglalandi mo sa boyfriend ko! Wala ka na bang ibang alam kundi ang magpapansin sa boyfriend kong wala namang paki-alam sayo!? Hindi ko alam na may taglay ka pa lang kalandi-an, Scarlet. Malandi ka.”

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Parang bahagyang napanganga pa nga ako. Talagang nagulat ako sa mga salitang kumuwala sa mga labi niya. Bakit ganon? Bakit galit si Dea sakin? Tapos ang sasama pa ng sinasabi niya.

“Teka Dea—“

“Wag ka ng maki-epal dahil gasgas ka na, you bitch! Alam mo, matagal na kitang tinitiis eh, but you’re really getting into my nerves that it made me think of hurting you! Pero pasalamat ka, ayaw ni Denzel ng gulo!”

Anong nangyari kay Dea? Bakit naging bad siya? Ang bad niya ngayon! Ano bang ginawa kong masama? Readers may ginawa ba akong masama kay Dea? Dapat na ba akong magsorry?

“Oh ano!? Napipe ka dahil tama ang mga sinabi ko!? God Scarlet… why are you so oblivious to the fact that you are nothing to him?” sabi niya ulit tapos tumawa ng masama. “And in case you still don’t get me, I’ll tell you this myself, right here, right now… I. HATE. YOU.”

Naluluha na ako ngayon. Maliban sa sinabi niyang nothing daw ako para kay Christian, nasasaktan ako kasi hate niya ko. Buong pagsasama namen, para sakin masaya. Kahit hindi kami bff ni Dea, binigyan ko siya ng halaga. Tapos ngayon sasabihin niyang hate niya ko?  Bakit ganun? ‘Bat parang ang dali2x lang para sa kanya ang sabihin ang mga yun? Wala lang ba ako para kay Dea?

“D-Dea… A-Ano ba ang kasalanan ko? B-Bakit galit na galit k-ka sakin? M-May nagawa ba kong m-masama?” Tanong ko na naluluha. Tapos yung mga kamay ko, parang nanginginig pa.

“Kasalanan?” nagsmirk siya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa, pabalik ulit sa ulo. “You are a big mistake, Scarlet… buong pagkatao mo.”

Napayuko na lang ako dahil sa mga sinabi niya. Ang sakit kasi pakinggan. Parang pakiramdam ko, isa talaga akong malaking kasalanan sa kanila. Parang sinira ko ang buhay nila. Ano ba kasing ginawa ko? Masama ba yung minahal ko si Christian?

“He already dumped you, Scar. It’s been months since he dumped you! Is that really hard to accept? He left you ‘cause he doesn’t love you anymore. He left you because… because…” Nanatili lang akong nakayuko habang nakikinig sa mga masasakit na salita ni Dea, pero parang bigla siyang hindi makatuloy sa sasabihin niya. Parang iniisip niya kung ano ang susunod niyang sasabihin. Tapos naramdaman ko siyang tumawa ng mahina. “…because you know what? Nung nasa States kaming dalawa ni Denzel…”

That Summer I Fell in Love <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon