Scar’s POV
“Magkakilala kayo!?” Gulat na tanong ko habang nakaturo pa sa kanilang dalawa. Gulat ako tsaka parang namamangha pa ako. Kasi si Sin may kaibigan na. Tapos sa dami ng pwede niyang maging kaibigan, si Kida pa. Hehe. Ang tindi pa nga ng friendship nila kasi si Kida na nakayakap pa kay Sin hanggang ngayon.
“Yeah!” Nakabugisngis na sagot ni Kida.
“What the fvck! Bitiwan mo nga ko!!” Reklamo ni Sin at pilit na tinutulak si Kida palayo sa kanya. Parang nandidiri pa siya kay Kida kasi napapangiwi siya. Pero hindi nagawa dahil lakas makakapit na parang linta itong si Kida kay Sin. “Fuck off you gay!!”
“Hoy lalake! Wag ka ngang mag-inarte diyan!” Sigaw ni Patch kay Kida na halatang iritang irita habang dinuduro duro niya pa si Kida. Binelatan lang siya ni Kida at instantly, naging nakakatakot naman ang aura ni Patch. Lumapit siya kay Kida na may hawak na bread knife at tinutok ito sa le-eg ni Kida. “Aaaahhh… gusto mo sigurong laslasin ko yang le-eg mo ng dahan-dahan gamit ang breadknife na ito at ipatuklaw sa ahas yang tonsil mo noh? ”
Uwaaa! Nakakatakot na naman si Paaatch! Para kasing sinaniban siya ng kaka-ibang ispirito kaya nakakatakot siyaaa.
“Psh! Mas natatakot ako sa girlfriend ko noh!” Sagot ni Kida na naka pouty lips pa.
Nakita naman naming lahat na nag-twitch si Patch. Errr… Change aura na naman siya.
“M-May g-girlfriend ka na naman?” na-uutal at halos pabulong na tanong ni Patch kay Kida. Yung mga mata niya, nanlaki mng bahagya.
“Oo naman. Kelan ba ko nawalan ng girlfriend? Hahaha! Fresh from California pa nga yun eh!”sagot pa ni Kida na tila proud na proud pa sa sinabi. Parang hindi pa niya nahalata yung pag-iiba ng aura ni Patch.
Biglang tumahimik ang lahat, lalong lalo na si Patch. Nag-iba yung mukha niya. Una nakakatakot siya… pero ngayon… parang may lungkot sa mga mata niya. Bihira ko lang makikitang malungkot si Patch kasi isa siyang taong matibay at matapang. Nanatili lang siyang nakatayo at nakayuko ng ka-unti habang nakatingin sa gilid. Hindi talaga ako sanay pag ganyan si Patch. Hindi ako sanay na nasasaktan siya.
*POUT*
P-Pero teka… San galing breadknife ni Patch gayung andito naman kami sa corridors?
“Oii! Kain tayo! He-he!”biglang sabi ko para machange lang ang topic. Nakakabingi na kasi ng katahimikan. Kahit si Sin, natahimik rin.
“KUMAIN.KA.MAG.ISA.MO.POTEK.” Madiin at galit na sabi ni Patch sakin at nagwalk out. Hindi naman ako nainis sa ginawa niya sakin. Sanay na kami sa kanya. Tapos alam ko… nasasaktan siya.
Biglang yumakap sakin si Nica at hinimas himas ang ulo ko. “Whaaaa! My poor baby Scar! Don’t worry, everything’s gonna be alright baby Scar!”
Sabi ko na nga ba eh. Drama mode si Nica.
“Oy Kid. Panu kayo nagkakilala ni Sin?” Tanong ni Ridge na parang kabuteng sumulpot sa gilid namen.
Maya-maya ay bumitaw si Kida kay Sin at napakamot ng ulo at napapangisi. “Hehe! Kaklase ko siya nung nursery kami hanggang grade 3 eh. Bestfriends pa nga kami. Galing ano? Lahat ng mga nag gu-gwapuhang lalake, pinagsama ng Pangino-on!”
Lakas ng hangin bro.
“Shut up. I don’t even know you, dumbass” Sagot ni Sin na parang iritang irita ang mukha kay Kida at tumalikod para umalis pero pinigilan na naman siya ni Kida.
BINABASA MO ANG
That Summer I Fell in Love <3
RomanceOo matalino siya, mabango, mayaman, sikat, at higit sa lahat, GWAPO. Lahat ng katangi-ang hahabulin ng mga babae ay nasa kanya na. Nese kenye ne eng lehet! Lalong lalo na’t galing pa siya sa pamilya ng mga “RAMOA” na may malaking impluwensya sa bans...