TSIFIL // 8

44 2 0
                                    

Nica’s POV

“Where are we going?!” Inis na tanong ko kay Ridge. Basta basta niya na lang kasi ako hinatak mula kina Scar at pinasakay sa kotse niya.

Lumingon siya sakin na naka ngiti.

*LUBBDUBB*LUBBDUBB*

That smile…

DAMN! Here we go again… Ugh!!! O.A. na kung O.A. pero parang lalabas talaga ang puso ko mula sa katawan kong ito eh.

“Edi sa Jollibee. You want shanghai right?” he answered while driving and glanced at me with a smile.

“Ayaw ko na!” I crossed my arms. “You’re too late! Kanina ako gutom at kanina ko hinahanap yang shanghai na yan! Busog na ko ngayon!”

“Ayaw mo na? Edi ‘wag.”he replied and chuckled. Aba’t naniwala ba naman sa sinabi ko!? Nagpapakipot lang naman ako eh. Arrrggghhh! Binatukan ko na. Leshe eh! Nakaka-inis!

“Aray Nicaaaa! Ansakit! ‘Bat mo ko binatukan!? Nagmamaneho ako oh! Baka mabangga tayo sa ginagawa mo eh!” He complained while rubbing his head with his one palm without looking back at me.

“It’s not my fault kung mababangga tayo. Kasalanan mo yan dahil ikaw nagmamaneho!” I stuck my tongue out at him as a little revenge.

“Now I want a puppy!”I declared, causing him to look at me, surprised.

“Hah? Puppy na naman? Ano ba talaga ang gusto mo Nica? Parang wala kang direksyon sa buhay eh!”

“Ayaw mo?” I asked while raising my eyebrow on him.

“Haaay… Oo na, oo na. I’m gonna find you a puppy na.”he answered and sighed out of defeat. Sabi ko na nga ba, susundin niya pa rin ang sasabihin ko. He’s really spoiling me. And I like it.

“Very good! I want a shih tzu. A pink shih tzu!”

Pero nagulat na lang ako ng biglang huminto ang kose. Naman eh! Kung wala akong seatbelt, siguro tumilapon na ako mula sa kotseng ito.

“What the!? What’s the problem!?”I annoyingly exclaimed at him.

He faced me, his face, shocked. “Anong sabi mo!? Shih Tzung PINK!?”

***

“Nica naman eh!! Ilang beses ko ng inikot ‘tong petshop na ‘to oh! Pero wala pa ring pink na shih tzu!” Pagrereklamo niya habang nakatayo siya sa harap ko. Ako? Well… I’m just plainly sitting on a chair. “Saang planeta ka ba umabot at nakakita ka ng pink na shih tzu? Hah?”

Inalis ko ang isang earphone mula sa tenga ko. “What?” I asked innocently, pretending that I didn’t hear him. Wala naman talagang tumutugtog na music sa earphones ko eh. *evil laugh*

Ginulo niya ang buhok niya dahil sa inis. “Grrr! Ang labo mong kausap! Diyan ka na nga!” sabi niya at tumalikod.

“And where the heck are you going, Ridge?” Tanong ko na nakataas ang isang kilay kahit hindi niya naman nakikita.

“Edi mag-iikot ulit at maghahanap ng pink shih tzu mo! Baka meron na ngayong bagong silang na PINK NA SHIH TZU! Tss! Ang labo mo talaga Nica!” Sagot niya na may halong inis habang naglalakad palayo sakin.

I smiled. He really never failed to make me smile. But I suddenly felt a pain in my chest… hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ako para sa kanya.

That Summer I Fell in Love <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon