[Revised]
T R I X I E ' S P O V
Napasapo ako sa ulo dahil sa matinding sakit. Hindi ko namalayan bumangon sa kinahihigaan ko pero nanatili pa rin nakapikit ang aking mga mata. Masyado akong nasarapan sa tulog kaya siguro sumakit ang ulo ko.
"Trixie? Gising ka na."
"Anong nangyayari. May masakit ba sayo?"
"NURSE NURSE."
Hindi ko tinuonan ng pansin ang mga pamilyar na boses na parang may sinasabi pero hindi ko gaanong maintindihan dahil hindi ko kaya ang sakit ng ulo ko. Ano ba ang nangyayari saakin? Epekto siguro ito sa pagbabasa ng mga pocket books sa gabi. Naku talaga, sana nakinig na lang ako ni Mommy.
Ugh. Ang sakit ng ulo ko, komokonektado sa mata. Hindi na to tama. Mabubulag na ako.
"Idilat mo ang mga mata mo Ms. Trixie. Wag kang matakot." Kahit nakapikit ang mga mata ko, lumiwanag ang paningin. Pamilyar saakin ang boses ng nagtawag saakin pero hindi ko kayang idilat ang mata ko.
Naramdaman ko naman na may kamay na pilit na pinadilat ang mga mata ko pero umiwas kaagad ako. Masakit e, parang hinihiwa ang ulo ko sa tuwing susubukan kong idilat ang mata ko.
Pinagpawisan na ako at ang mga luha ko ay kumawala sa mga mata ko. Buti wala ng nagpupumilit saakin na idilat ang mata ko.
Nagtagal ako sa ganoong posisyon hanggang sa unti unting humupa ang sakit na nararamdaman ko. Thank you Lord. Para akong nakahinga at nabunutan ng tinik sa ulo, kaya unting unti ko ng dinilat ang mga mata.
Bumungad saakin ang mga mukhang nagaalala. Inilibot ko ng tingin ang paligid hanggang sa marealize ko na nandito ako sa clinic at nakaupo habang sapo ko pa rin ang ulo. Dito pala ako nakatulog? Hindi naman siguro.
Kaagad akong chineck ni Ms. Nurse. Chineck niya ang mata ko gamit ang munting flashlight. Ibinigay niya saakin ang thermometer na nakaset na at pinaipit ko ito sa kili-kili ko.
Nang matapos na, sinalubong kaagad ako ni Nimatashi ng mahigpit na yakap at naramdaman ko naman bumasa ang likuran ko.
"Tinakot mo ko. Walang hiya ka. Akala ko hindi ka na magigising." Naiiyak niyang wika habang nakayakap pa rin saakin. Napangiti ako. Isang napakabuting kaibigan ni Nimatashi.
Kumalas ako sa pagkayakap sakanya at pinunasan ang kanyang basang pisngi pero hindi pa rin mapipigilan ang kanyang luha.
"Sshhhh. Para naman akong mamatay na. Hahaha isang araw lang akong tulog no hahaha." Patawa tawa kong sambit pero napahawak ako sa pisngi nang sinampal niya ako.
"Anong isang araw? Buong linggo ka natutulog at akala kong tuluyan ka ng hindi magigising." Inis niya singhal saakin tapos may namumuo na namang luha sakanyang mata. Nagulat ako sa sinabi niya. One week akong natutulog. Ohmygosh.
Bago kumawala ang namumuo niyang luha sa mata. Biglang nagiba ang kanyang ekspresyon sa mukha at napalitan ng gulat nang napatingin siya saakin ng maigi. Nanlalaki ang kanyang mata at napaatras.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha Nimatashi?" Wala siya sa sariling kinalabit niya si Dean na abala sa paguusap ni Brey, na mukhang seryoso ang pinaguusapan. Nagulat na napatingin saakin sina Brey at Dean.
Kami lang ang tatlo dito. Nabigla din ako sa naging reaksiyon nila kaya tumayo ako at lumapit sakanila pero napapaatras sila sa tuwing hahakbang ako papalapit. Ano bang problema nila saakin? Naiiyak na ako.
BINABASA MO ANG
The Last Nerd Standing
Adventure#20 in Adventure ~Windyson Academy~ Briana Trixie Brooklyn 16 yrs old Hindi kagandahan pero nerd At Matalino Maingay, yeah thats the first time in history And Not a bully _________________________ May isang babae napadpad sa isang malaki at masosyal...