"Bye. Goodnight." Paalam ko kay Jizhin matapos niya akong inihatid sa Dmondie ko. Gabi na kaya naisipan ko ng pumasok. Paika-ika pa akong lumakad dahil sa sugat ko sa tuhod.
Wala ng anino ni Dylan ang naabutan ko pwera na lang sa sticky notes na nakadikit sa salamin ng kwarto ko. Tss. Pumasok pala siya dito.
Dear Sissy,
Napagisip-isipan ko ng matagal na umalis na lang sa Dmondie mo, mahirap man matanggap na hindi mo na ako mahal at pinapalayas mo dito pero wala naman akong magagawa. Kung may problema ka, nasa gilid mo lang ako. Bye. Dmondie 113 (gold)
P.S. Fudge. Ang raming masasarap na pagkain sa Refrigerator mo. Hindi naman ganun kadami ang pagkain ko doon. Tsk. Tsk. How unfair, anyway kinuha ko yung isang cake. Mucha Gracias.
-Dylan
Baliw. Kinuha pa yong cake na nasa ref. Kumuha ako ng hairbrush, humarap sa malaking salamin at inayos ang buhok.
Naalala ko naman yung nangyari kanina. Hay nang dahil sa katangahan ko, hindi kami natuloy sa school cafeteria. Hindi sa gusto ko pero kawawa kasi si Jizhin. Diba?
Napatigil ako sa pagaayos ng buhok ng mapansin kong may kakaiba sa mata ko or nagmamalik mata lang ako. Bakit violet ito? Hay, tuluyan na talagang nanlabo ang paningin ko.
Tumayo ako pero kaagad rin napatigil. Nagulat ako nang makita ang buhok kong nalugas sa pagaayos. Dahil sa puti ng sahig, makikita mo ng malinawan ng kulay ng buhok. Color violet. Pumulot ako ng isa at tinignan ng maigi.
Napaangat ang tingin ko sa salamin at nakita kong may part sa buhok na naging violet. Waah anong nagyayari saakin?
Nagmumukhang nagpahighlight ako ng buhok! Atsaka diba mata lang yung nagiging violet? Bakit pati buhok. Huhuhu antok lang ito! Antok lang!
K I N A B U K A S A N
Ang ganda ng gising ko ngayon. Medyo nastress lang ng konti dahil totoo ang mga nakita ko kagabi pero napapaisip ako na bakit ko istrestress ang sarili sa hindi naman problema diba? Mahahagard lang ang face ko.
Kasulukuyan akong nagluluto ng itlog, sunny-side egg kaso ang hirap. Tatlong beses ko ng inulit pero nasunog lang.
Habang nagluluto ako, biglang nagsink-in sa utak ko ang gaganaping Halloween party. Nakakaexcite, kasi nakagawian ko ng sumali ng halloween party sa labas. Ang iba nga may contest sa pagandahan ng custome. Ewan ko lang dito.
Naalala ko noong nagcostume ako ng killer clown with saw. Take note, totoong saw. Jusko, bugbog sarado ako ng multo este tao. Pati rin yung nagala wrong turn ako, nako ang raming natakot saakin.
Pero ang costume ko na hindi ko malilimutan? Ay yung nagsuot ako ng annabelle. Halos nagsilayuan ang mga tao saakin at napapasign of cross. May dala akong kutsilyo tapos palagi akong nakangisi. Ano kaya ang costume ko ngayon?
"Yehey! Mission Success." Masaya kong sigaw habang ini-off ang stove. Kinuha ko ang sunny-side egg na niluto ko tapos inilagay sa plato.
Kyaah! For the first time in forever. Kinain ko ang aking niluto saka napangiti. Hindi na masama sa mga beginner katulad ko.
Oh! Alam ko na kung ano ang susuotin ko!
H A N N A H ' S P O V
Inis na inis ako sa sinuot kong costume. Ang kati-kati kahit nakahood pa ako, atsaka ang init!

BINABASA MO ANG
The Last Nerd Standing
Avontuur#20 in Adventure ~Windyson Academy~ Briana Trixie Brooklyn 16 yrs old Hindi kagandahan pero nerd At Matalino Maingay, yeah thats the first time in history And Not a bully _________________________ May isang babae napadpad sa isang malaki at masosyal...