GUYSSS. PAALALA LANG PO, HINDI PO IISA SI MR. SHADOW BLACK AT DARK SHADOW HEHEHE, NAGKAMALI PO KASI AKO DAHIL DARK PRINCE PO TALAGA ANG PANGALAN NI DARK SHADOW. EIDET KO NA LANG PO AGAD AGAD, SORRY AGAIN...
KAYA YOU MAY NOW REST IN PEACE, JOKE.
T R I X I E ' S P O V
Nakatingin lang ako sa baba habang tahimik na sumusunod kay crush. Hehehe hindi ko talaga mapigilan kiligin kapag iniisip ko na sundo't hatid ako palagi ni crush.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang sabi lang ni Nimatashi na pupunta daw kami sa gold building kasi nandun na daw ang classroom ko. Buti naman at hindi na ako sa blue building. Kahit wala akong maalala, natatakot pa rin ako dahil baka umulit yung nangyari saakin. Hay.
Tinignan ko lang ang likod niya, siya kasi ang nakauna. Ang tahimik niya talaga, ni-isa saamin walang nagsalita. Spell A-W-K-W-A-R-D.
Maya't maya napansin kong hindi ito ang daan papuntang gold building kahit baguhan pa ako syempre madali naman akong makaalala kung saan ang mga daanan.
"T-teka h-hindi naman t-toh ang d-daan papuntang g-gold building." Kinakabahan kong sabi sa kanya pero hindi pa rin siya huminto sa paglalakad.
"A-ano ba, h-hindi i-to a-ang d-daan." Ulit kong sabi sa kanya pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad.
"Matalino ka rin pala e noh?" Nakarinig ako ng isang boses ng bab-babae? Lalaki naman ang kasama ko. Hindi naman siguro tomboy noh?
Huminto siya sa paglalakad pero hindi pa rin siya humarap saakin.
"S-sino k-ka? A-anong k-kailangan mo saakin?" Takot kong tanong sakanya, para na nga akong maiihi sa jeans ko dahil sa takot.
"Hindi naman ako ang nangangailangan sayo. Napagutusan lang ako." Bigla siyang humarap saakin. Shake. Babae siya? Hindi ito yung crush ko pero bakit aish basta hindi ko maexplain. Tinignan ko ang singsing at may maliit na diamante, kulay kayumanggi.
"A-anong k-kailangan nila saakin?" Matapang kong tanong sakanya na ikinatawa niya ng malakas.
"Wala ka pa talagang alam." Sambit niya sa sarili." Simple lang naman, ang buhay mo at ang singsing na yan." Naglalaro siya ng dagger at gamit ng dagger itinuro niya ang suot kong Dark Violet Ring.
Parang sa isang kisap ng mata ang nangyari, mabilis niya itinapon ang dagger papunta sa dibdib ko ngunit may tumulak saakin.
Malakas ang pagkabagsak ko sa lupa at bigla ng umiitim ang paligid, ang paningin ko. Bago ako mawalan ng malay ay may nakita akong isang lalaki, ang tumulong saakin.
-
DEAN'S POV
Nasaan na ba yung babae na yun? Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Pinapahanap ko na rin kina Brey at Hannah si Trixie.
Hindi rin siya pumasok sa first at second subject. Nagalala na ako sakanya. Baka mapapahamak na naman siya. Tss. Pinagpatuloy ko ang paghahanap kay Trixie nang nakasalubong ko si Nimatashi.
BINABASA MO ANG
The Last Nerd Standing
Aventura#20 in Adventure ~Windyson Academy~ Briana Trixie Brooklyn 16 yrs old Hindi kagandahan pero nerd At Matalino Maingay, yeah thats the first time in history And Not a bully _________________________ May isang babae napadpad sa isang malaki at masosyal...