CHAPTER 8: KUYA

951 29 1
                                    


T R I X I E ' S    P O V


Lumipas ang maraming taon, nakamove on na rin sa wakas sa mga pangyayari. Echos lang. Sa totoo ay i-ilang araw pa naman ang lumipas.



Naalala ko tuloy si Nimatashi nung nanghihingi pa ako ng tulong sakanya dahil galit saakin si Dean. Yun na pala araw na hindi ko na siya makikita. Yun na pala ang huli.



Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang biglang may kumatok. Kaagad ko naman pinabuksan at ang iniluwa doon ay lalaking naka V-neck t-shirt. Medyo fitted, nakaheadphones. Saan ko nga ba ito nakilala?



"Hi, It's me." Bati niya saakin at may malawak na ngiti sa labi. Mukha ko pa rin ang may qeustion mark pero joke lang. Kilala ko 'tong kutang lupa na nasa harapan ko. Kailan ko ba siya makakalimutan pa?



"Oh bakit ganyan ang reaction mo? Hindi ka ba masaya lil sis na nandito na ako?" My brother na sinampal ko.



Bigla ko siyang yinakap ng mahigpit.



"I miss you Kuya." Wika ko. Hahaha.



"E tumatawag ka na pala ng kuya ngayon? Atsaka yung mga sampal mo, may marka pa sa mukha ko." Pagmamaktol niya habang itinuro ang kanyang pisngi.



Napatawa ako ng malakas kaya tinignan niya ako ng masama.



"What do you think of me? Your good sister? Kuya, kuya. Hahahha come on Dylan. That was a joke." Halos maiyak na ako sa kakatawa



"Che." Irap niya saakin sabay pasok sa dmondie ko.



"Nasaan na pala yan Megan na binuntis mo?" Tanong ko sakanya habang sinisirado ang pinto.



"Hayun, nanganak na." Malumay niyang sagot. Napatigil ako sa mga ginagawa ko. Iilang buwan pa naman ako dito ah.



"Nakunan siya."



Tinignan ko si Dylan. Ang lungkot niya kaya hinug ko na lang siya. Ginusto niya bang magkaanak ng maaga?



"O siya, tama na ang drama..." sambit ko tapos bumitaw sa pagkayakap. "...Ano pala ang type mo Dylan?"

"Ang tipo ko sa mga babae ay maganda, sexy---aray." Bigla ko siyang  binatukan, puro panloloko na naman ang inaatupag. Hay. Naalala ko naman 'yon time na kinakampihan ang kanyang babae. Bwisit talaga ang araw ko nun



"Babaero." Sigaw ko sa tenga niya. Napalayo tuloy siya saakin.



Hindi na ako naghintay sa sagot dahil alam kong hindi rin ito sasagot kaya tinignan ko ang necklace niya at may pendant na Gold.



Maya't maya ay may kumatok sa pinto ko, another unexpected visitor.  Pagbukas ko, bumungad saakin ay anghel. Sht ang ganda, chixs to oh.



"Nandyan ba si Dylan?" Malaanghel niyang tanong. Kahit ang mukha niya. Parang anghel.



"DYLAN, may naghahanap sayo." Tawag ko kay Dylan pero hindi ko pa rin inalis tingin sa anghe---este babae.



Ngumingiti na may pangamba sa mukha ni Dylan nang makita niya ang babae. Baka binuntis niya ito? Nako ang ganda siguro ng anak.



"Dylan sino to?" Tanong ko sakanya pero hindi niya ako pinansin. Nakatingin lang siya sa babae. Sinasabi na nga, binuntis niya 'tong babae.



The Last Nerd StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon