CHAPTER 4: CRUSH

1.2K 39 2
                                    

[Revised]

T R I X I E ' S    P O V


Ang hayup na lalaki na yun, iniwan ako dito sa garden. Tsk. E malapit lang sa clinic, sana sinama ko na lang si Nimatashi. Wala na talaga akong mukha na ihaharap sakanya dahil iniwan ko siya doon sa clinic.



"Hi, Im Hannah. Your so maganda." Pagpupuri saakin sabay yakap saakin ng mahigpit. Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko pero hindi ako nagblush.



Akala ko ang lahat ng blue type ay mataray. Hindi naman pala lahat.



"Im Gabriela but you can call me Gab for short." Pagpapakilala ng babaeng kanina pa walang imik. Napakaseryoso niya.



"Im Girlie." Nahihiyang pagpapakilala ni Girlie.



"Mahiyain talaga yan at mahinhin pa." Bulong saakin ni Hannah. Napatango naman ako.



"Girlie at Gab, gusto niyo ba sumama? I-lilibot natin si Trixie sa whole campus." Masiglang aya ni Hannah. Ang masasabi ko kay Hannah ay napakajolly niya at napakamasayahin kumpara kina Gab at Girlie.



Si Gab kasi ay napakaseryoso at parang parating madilim ang aura. Natatakot ako minsan sakanya kaya hindi ako gaanong lumalapit sakanya.



Samantalang si Girlie ay napakamahiyain at napakamahinhin. Nakakahiyang lumapit sakanya. Mukhang kami lang ni Hannah ang magkakaintindihan.



"We're busy, sorry." Malamig na sagot ni Gab. Nakikita ko naman  sa mga mata ni Hannah ang pangkadismaya pero agad siyang ngumiti at mas lalong sumingkit ang kanyang mga mata.



"Busy daw pero wala naman ginagawa dito sa garden. Aysus, ikaw Girlie, sasama ka ba saamin?" Nakangiting tanong niya kay Girlie.



"O---."



"Sabi ko, hindi siya sasama. Kami, hindi kami sasama dahil may gagawin pa kami." Pagpuputol ni Gab sa sasabihin ni Girlie. Lumingon naman sakanya si Girlie na may guhit sakanyang mukha ang pagkalito.



"Hindi. Umo-o si Girlie, diba sasama ka saamin Girlie?" Nakauwang ang bibig ni Girlie na tumingin kay Hannah.


Parang na-out of place na ako dito dahil hindi ako nakasali sa kanilang usapan pero parang hindi dahil ako ang dahilan kung bakit sila parang nagaaway. Medyo, nangangawit na rin ako dahil kanina pa ako nakatayo.



"Hindi siya sasama sainyo, period." Matigas na sabi ni Gab. Ang suplada pala niya.



"Okay, okay. I surrender, ako na lang ang maglilibot kay Trixie.." Sambit ni Hannah habang nakataas ang kanyang dalawang kamay.



Nakakahiya, mukhang nag-aaway pa sila dahil saakin.



"H-hindi na kailangan Hannah." Lumapit saakin si Hannah at inakbayan ako.



"No no no, bukas ka na papasok. Dapat kabisado mo ang  bawat sulok ng akademyang ito at ang mga detalyi nito. Okay dokie."



Wala na akong magawa dahil itinulak na niya ako paalis sa garden at iniwan ang dalawa doon.



"So magsisimula tayo sa umpisa." Wala na kaming sinayang na oras ni Hannah, kaagad naming tinungo ang lugar kung saan doon nagsimula ang lahat.



"Obviously, ito ang main gate ng academy. Mas kilala itong 'Alligate'." Nasa harapan namin ang Alligate. Ngayon ko pa mas nakita ang Alligate na mas malinawan.



The Last Nerd StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon