CHAPTER 8 R.I.P

981 28 4
                                    


T R I X I E ' S    P O V



"Nimatashi, tulungan mo naman ako ohhh." Pagmamakaawa ko kay Nimatashi na ngayon ay nakatulala. Hindi ako pinanin ni Dean kanina. Galit, pati rin itong babaeng nasa harapan ko. Mukhang galit din dahil hindi niya din ako pinapansin.



Hindi nga niya ako ginising kanina. Bigla lang siyang sumulpot sa harapan ko ngayon dito  sa school cafeteria habang kumakain.



"Hoy. Bakit nakatunganga ka lang diyan? Kanina pa kita kinakausap, di mo naman ako pinapansin. Hoy." Nakakapagtaka, kanina lang siyang ganyan simula nang sumulpot siya sa harapan ko. Nagulat ako nang umiiyak ng itim si Nimatashi habang nakatingin saakin.



"Anong nang---."



"TRIXIE, TRIXIE." Sigaw ng hindi ko kakilala na lalaki. Tinignan ko siya na nakakunot ang noo.



"Bakit?" Tanong ko.



"Na-nakita mo si Helena?" Hinihingal niyang tanong saakin. Bulag ba siya para hindi niya mapansin si Nimatashi sa harapan ko.



"Nandito lan---..." tinuro ko ang direksiyon na kung saan nandoon si Nimatashi ngunit wala na siya doon."...siya?" Nandito lang talaga siya sa harapan ko. Kausap ko pa nga kanina. Imposible naman namamalik mata lang ako.



"Huh?." Taka kong tanong sa sarili. Nasa harapan ko lang talaga siya, bakit wala na siya ngayon? Lumingon ako sa paligid at ngayon ko lang narealize na kami lang pala ang tao dito sa cafeteria.



"Tek-teka, e nandito siya kanina." Pangungumbinse ko sa sarili. Tumayo ako at hinanap si Nimatashi. Tinignan ko sa ilalim ng lamesa. Inilibot ko ang cafeteria ngunit wala siya.



"Sandali." Tawag niya saakin. Kaya napatigil rin ako ngunit medyo nagalala pa rin ako kay Nimatashi dahil kanina lang ay umiiyak siya ng itim.



"Mamaya na lang natin hanapin si Helena." Mahinahon niyang sambit pero kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon.



"Sino ka ba? Bakit mo hinahanap si Nimatashi." Tanong ko na ikanangisi niya ng mapait.



"I've heard that you and Helena were close friend pero niisang impormasyon tungkol sa kamondmates niya walang sinabi sayo." Nalulungkot niyang wika.




Tinignan ko ang kanyang pendant at kulay silver. Naalala ko, ang red type ay para sa silver type.



"FERRIS. Nakita na namin si Helena." Dumating ang mga stranger saaking paningin, kaibigan siguro ni Ferris. Para akong nabunutan ng tinik sa balita nila. Buti naman. Namamalik mata lang siguro ako kanina.

"Saan?" Tanong niya na may pananabik.



"F-ferris, w-wala na s-siya." Hindi. Nagbibiro lang siya noh? Nagkakamali siya. Hindi 'yon si Nimatashi.



"Ano, w-wala n-a s-s-siya?" Ulit na tanong ni Ferris at tumango lang ang kasamahan niya. Hindi maari. Napaupo ako kasabay ng pagkatulo ng luha ko.



Binalot kami ng katahimikan at ang mga hikbi ang naririnig ko. Nakakainis. Galit 'yon saakin at hindi man lang ako humingi ng tawad.



Ang kauna-unahan kong kaibigan wala na. Wala nang-gigising sa umaga ko. Wala na akong kasama palagi.



"Na-natagpuan siya sa bl-blue building. Bumubula ang kanyang bibig at lumuluha ng itim. May sugat sa kanyang braso, at nakasulat doon ay DkĮňĞ." Patuloy nilang balita saamin. L-lumuha siya ng itim?



The Last Nerd StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon