That Doll

100 3 0
                                    

"Bunso?" narinig kong tawag ni tita Beth sakin, nasa kusina ako noon, naghahanda ng ipapamerienda sa kaibigan ko na nasa loob ng kwarto ko.

"Nasa kusina po!" sigaw ko.

Maya-maya pa'y nasa kusina na s'ya. May bitbit syang ulam.

"Nag-lunch ka na?" tanong n'ya. Inilapag nya sa table ang bitbit.

"Hindi pa po," inabot ko sa ibabaw ng table ang isang sachet ng 3-in-1 na kape. Napakarami non sa table, tapos meron pa sa loob ng ref. Adik sa kape si mama, parang oxygen ang turing non sa kape.

"Kamusta? OK ka lang ba dito?" tanong nya. "Ay teka, kumain ka muna pala."

"Ok lang po. Mamaya na po ako kakain ng lunch, nasa kwarto po yung kaibigan ko, e biscuit lang po at kape gusto nun."

"Oh? Sumilip ako sa kwarto mo kanina, wala namang tao. Kaklase mo ba sya?"

Ngumiti ako. "Hindi po, si Nica, isang dating kaibigan."

.

.

.

.

Pumasok na sya sa loob ng kwarto nya. Nakakapagtaka na nagagawa pa nyang ngumiti ng ganun, na magkunwaring walang nangyari.

Wala akong nakitang tao sa loob ng kwarto nya, at kung ako ang tatanungin, imposibleng magkaroon ng tao don. Ano yun, nagtago sa loob ng kabinet? Sa bagay, pwedeng pagtaguan ng limang tao ang kabinet na yun, sobrang taas at lapad kasi.

Siguro alam na ni Jasmine na wala talagang tao sa loob ng kwarto, naririnig ko syang sinisigaw ang pangalang Nica na para bang isang napakalaking kasalanan na pinagtataguan sya nito.

Minsan nawi-wirduhan ako sa kanya, may mga bagay syang ginagawa na sya lang ang nakakaintindi. Minsan natatakot ako, natatakot sa kanya.

Teka, Nica? Veronica? Hindi kaya yun yung kinukwento nya sakin na kaibigan nya dati na lagi nyang katagpo sa ilalim ng puno ng mangga?

Tumayo ako sa kinauupuan, niligpit ang ulam. Pumwesto ako sa harap ng kwarto nya, hinawakan ko ang knob ng pinto at dahandahan iyong binuksan upang sumilip.

.

.

.

.

Matagal ko ng gustong makita si Veronica, naging kaibigan ko sya dito sa Tarlac dati nung minsang nagbakasyon kami. Mabait sya, Masaya syang kasama kaso ako lang ang kaibigan nya. Naalala ko pa dati nung nangako kami sa isa't isa na magiging magkaibigan habang buhay. Bata pa ako non, anim na taong gulang pa lang siguro. Binigyan ko sya ng bracelet at nakakatuwang makita na suot nya pa rin yun ngayon.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko, iniwang mag isa si tita sa kusina. Bitbit ko ang isang tray na may dalawang tasa ng kape at isang plato ng biskwit. Tama nga si tita, wala ngang tao sa loob ng kwarto.

"Nica?" Inilapag ko sa study table ko yung tray at saka sumilip sa ilalim ng kama ko, wala sya don.

May narinig akong ingay sa loob ng kabinet ko, napangiti ako, siguro natakot sya ng kumatok si tita kaya nagtago sya sa loob. Binuksan ko ang kabinet, at doon nakita ko sya sa may gilid, katabi ng mga medyas ko. Napakaganda nya, kulay lila ang mga mata nya, kulay tsokolate ang kanyang kulot at mahabang buhok, nakasuot sya ng kulay pula na bestida. Napakaliit nya, singlaki lang sya marahil ng isang 1.5 na Coke. Walang kurap-kurap na nakatitig sya sakin.

Pinaupo ko sya sa kama ko. Mukhang natakot talaga sya.

.

.

.

Hindi iyon ang inaasahan kong makita. Isang manika. Manika si Veronica.

Close(s)t FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon