Gretchen

54 2 0
                                    

Pumasok na rin yung sinasabi nilang bago naming kaklase, Gretchen ang pangalan nya, maganda sya, habang nagpapakilala sya sa buong klase halos mag ungulan ang mga kalalakihan. Sa tabi ko sya nakaupo. Hindi na kasi dun umupo ulit yung isa kong kaklase. Sabi ko kasi sa kanya pag umupo pa sya sa tabi ko sasaksakin ko sya ng ballpen sa lalamunan, naniwala naman as if naman gagawin ko talaga yun. Hahaha.

     Ang dami namin pinagkwentuhan ni Gretchen, bagong lipat lang din daw sya at walang kaibigan kaya sabi ko sa kanya na kami na lang ang maging magkaibigan. Tuwang tuwa sya nung sinabi ko yun.

     "Sabay tayo umuwi mamaya," yaya ko sa kanya.

     "Sige ba," agad nyang sagot. Hinila nya ko malapit sa kanya at bumulong. "Napansin mo ba na simula ng dumating ako dito e kanina pa nakatingin sakin yung lalaking yun?" sabay nguso sa kinaroroonan ng isa naming kaklase.

     Lumingon ako sa inginunguso nya. "Si Jake?"

     "Jake pangalan nya?"

     "Oo. Mukhang di ka naman nya tinitignan e."

     "Syempre nakatingin tayo sa kanya kaya nahihiya yan."

     "Guni-guni mo lang yan e," naiiritang sabi ko.

     E hindi naman kasi talaga nakatingin sa kanya si Jake tsaka ako yung kaibigan nya diba? Dapat nasa akin lang ang atensyon nya at hindi kung kani-kanino.

     Naglalakad na kami pauwi ni Gretchen, medyo madilim na sa daan. Tawa ako ng tawa sa mga kwento nya. Dati raw nagkaron sya ng boyfriend dun sa pinanggalingan nila tapos nalaman ng nanay nya kaya halos palayasin na sya sa bahay, binuhat na nga raw sya ng kuya nya para ilabas sa bahay nila pero kumapit sya sa may pintuan nila kaya hindi sya mailabas ng kuya nya.

     Nakakatuwa na may nakikipag usap sakin ng ganito. Wala kasing nakikipag usap sakin sa school, lalo na yung kabati ko dati, sayang, ang sarap pa naming takutin nun.

       Mauunang makarating sa bahay namin bago makarating sa bahay nila kaya nagpaalam na ako sa kanya na papasok na sa loob. Nakapasok na ko sa gate ng bigla nya kong hawakan sa kamay.

       "Sinong kasama mo dyan?" tanong nya habang nakatingin sa malayo.

       "Ako lang, bakit?"

       Nakatulala lang ito at mas lalong hinigpitan ang kapit sa kamay ko. Nilingon ko kung saan sya nakatingin. Nakatingin sya sa bintana ng kwarto ko.

        "Umuwi ka na nga," sabi ko sa kanya.

        "May nakasilip sa bintana nyo e," sabi nya. 

        Akma syang papasok sa loob ng gate pero pinigilan ko sya. "Wala yun, umuwi ka na."

        "Baka napasok ka ng magnanakaw, let me check," pinipilit nyang pumasok sa loob.

       Itinulak ko sya, sabay sarado sa gate.

      "Ouch!" sigaw nya.

    "Sorry," nakahawak pa rin ako sa isa sa mga grills ng gate namin. Umuwi ka na, mamaya may kung ano ka pang makasalubong sa daan, madilim na oh."

      "Bakit kailangan mong manulak?" nakahawak sya sa braso nya. "Sigurado ka bang wala lang yun?"

       "Oo, guni-guni mo lang yun."

       "Osige, kita na lang tayo sa school bukas, itext mo ko pag may problema ha?"

       "Oo, sige, salamat. Ingat ka."

Nagmamadali akong tumuloy sa kusina, nasa mesa na yung ulam na hinatid ni tita na nauubos lang pag naiisipan umuwi ni mama.

      Nagpakulo ako ng tubig. Naupo muna ako, iniisip kung kakain na ba ako ng hapunan. Nakatulala ako sa mga sachet ng kape sa harap ko, parang hindi nauubos. Hindi na ba umiinom ng kape si mama? Napahaba yata ang pag iisip ko, maya maya pa ay narinig ko na ang pagpito ng takure.

      Tumayo ako para kunin yung takure at kumuha ng isang tasa, nagtimpla ako ng kape, kumuha ng biskwit. Gaya ng dati pumunta ako sa kwarto, inihatag iyon sa tabi ni Veronica. Nakatayo sya malapit sa may bintana.

         "Si Gretchen yun, bago kong kaklase."

         Hindi nya ako pinapansin.

         "Kumain ka na," iniabot ko sa kanya ang isang biskwit, tinabig nya iyon.

          Napakasama ng tingin nya sakin.

      "Bakit ba ayaw mo kong magkaroon ng ibang kaibigan?" galit na tanong ko sa kanya. "Bakit? Ikaw nga e, iniwan mo sa may puno ng mangga yang bracelet na binigay ko sayo dati!"

          Pagkatapos non, hindi ko na sya pinansin buong gabi.

.

.

.

Nakasimangot si Jasmine ng pumasok ako sa bahay nila, nakabihis na sya at mukhang papasok na sa school.

         "Bat ka nakasimangot?" pag uusisa ko. May dala akong ulam, dumeretso ako sa kusina habang nakaupo naman sa sofa sa sala si Jasmine.

           Naamoy kong medyo mabaho na yung ulam na dinala ko kagabi.

          "Bunso, hindi ka ba kumain kagabi?"

          Wala akong narinig na sagot. Sumilip ako sa sala at wala na sya.

.

.

.

Hindi ko nagustuhan yung ginawa ni Nica kagabi. Ilang gabi na syang ganun. Napakaselosa nya. Ayaw nya na may iba akong kaibigan, naiinis ako.

         Nakita kong nakaupo na si Gretchen sa upuan nya pero may isang lalaki an nakaupo sa upuan ko, si Jake. Nagkukwentuhan sila. Sobrang laki ng ngiti ni Gretchen.

          Lumapit ako at inilapag sa desk ng upuan ko yung bitbit kong bag.

          "Hi Jas!" bati sakin ni Jake. "Good morning!" nakangisi ito.

          "Uupo na ko," sabi ko.

          "dun ka muna sa upuan ko, please," at nagpa-cute pa.

          "Ganto na lang. Aalis ka o ipapako kita dyan?"

          Tumawa si Gretchen pero mukhang namutla si Jake sa sinabi ko.

          Nakatulala lang sakin si Jake kaya tumawa na lang din ako. "Sige, dyan ka muna."

.

.

.

Ilang araw din akong hindi pinapansin ni Veronica, hindi ko na sya hinahatidan ng pagkain, natutulog na lang ako agad pagkapasok sa kwarto ko. Minsan nahuhuli ko syang nakatingin sakin, hindi ko alam kung anong naglalaro sa utak nya.

         Isang gabi pag pasok ko sa kwarto, bigla syang tumili ng ubod ng tinis. Nagagalit sya kasi inimbitahan kong kumain ng dinner si Gretchen sa bahay kasama si tita Beth. Kumain kami ng sabay sabay. Ewan ko ba, e samantalang sya naman ang unang nang iwan samin dati tapos ngayon nagagalit sya pag may iba akong kaibigan. Nakakainis na.

.

.

.

Araw araw na lang sa tuwing pumapasok ako sa school nakikita kong nakaupo si Jake sa upuan ko. Kinakausap si Gretchen. Nakakatuwa lang kasi pati ako kinakausap na rin ni Jake, nadadagdagan mga kaibigan ko.

       "Jas, sabay sabay na tayong umuwi ni Gretch ha?" sabi sakin ni Jake habang nagla-lunch.

      "Sige ba," nakangiting sagot ko.

      "Nasan pala si Gretch?"

     Hinanap ko sya sa paligid ng canteen, nakikipag usap sya sa ibang mga babae dun. Yung mga babaeng magaganda, yung mga babaeng sikat.

Close(s)t FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon