Questions

37 1 0
                                    

Pumunta ako sa school na pinapasukan ni Jasmine, ipagpapaalam ko sya sa mga teachers nya na hindi sya makakapasok.

Hindi pa man ako nakakakatok sa pinto ng faculty room sinalubong na ako agad ng teacher nya.

"Wala sya dito," malungkot at may pag-aalala sa mukha nito.

"Sino pong sya?" nagtatakang tanong ko.

"Si Jasmine, hindi na rin sya pumapasok."

"Nasa hospital po si Jasmine, nandito nga po ako para ipaalam sya sa inyo e."

"Ha? Talaga? Anong nangyari? May naikwento ba sya sayo?"

"Po? teka, ma'am di ko po kasi kayo naiintindihan."

"Hindi na rin kasi pumapasok yung mga kaibigan nya. Unang nawala si Gretchen, tapos sabay naman silang tatlo na nawala. Kahapon lang nagpunta yung magulang nila Jake at Sarah dito, ilang araw na raw na hindi umuuwi sa kanila yung mga bata."

Natulala ako sa mga naririnig. Anong nangyayari? Mga kaibigan nya ang mga iyon at nakakapagtaka na sya lang ang hindi pa nawawala.

"iniisip namin na baka may napasukang gulo yung magkakaibigan, naireport na sa mga pulis yung mga nangyari, at baka interviewhin si Jas, kung papayag sya."

Tumango ako. Pano nga kung nasa matinding gulo si Jas? "Ma'am aalis na po ako, babalikan ko yung pamangkin ko. Nag aalala ako e."

"Osige mag ingat ka."

Tumango ako at nagmamadaling bumalik sa ospital.

.

.

.

Kailangan nila ko. Kailangan ako ni Jake, ni Gretchen, at ni Sarah, at higit sa lahat kailangan ako ni Veronica. Hindi pwede na nandito lang ako sa ospital. Pero naiintindihan ko rin si tita Beth, alam kong nag aalala sya sakin.

Natatakot ako. Nakakatakot dito sa ospital na nag iisa.

Pinipilit kong pumikit at matulog ng marinig kong bumukas ang pinto, si tita Beth may pag alala sa mga mata nya.

"Ok lang po ako," ngumiti ako sa kanya.

Bumuntong hininga sya. "Pumunta ako sa school nyo. Hindi na raw pumapasok si Jake at Sarah."

Tumango ako. "Ayaw na raw po nilang pumasok sa school."

"Bakit?"

"Dahil mas gusto nilang maging kaibigan ko at manatili sa tabi ko."

"Dinalaw ka na ba nila?"

Tiningnan ko lang sya. Ipinikit ko ang mga mata ko at natulog.

.

.

.

Dahil mas gusto nilang maging kaibigan ko at manatili sa tabi ko...

Paulit-ulit iyong tumatakbo sa utak ko.

Ipinatawag ako ng doctor, naka-upo ako sa upuan habang parang walang naririnig sa sinasabi nya, nakikita ko syang tumuturo sa mga x-ray results.

"I suggest na ipakunsulta nyo sya sa psychiatrist."

Napatayo ako. "Psychiatrist? Bakit po?"

"Kapag pinapainom sya ng gamot ng mga nurse nagwawala sya. Isang beses nung cheneck namin yung sugat sa ulo nya, paulit ulit nyang sinasabi na siguro natatakot kami sa peklat nya sa mukha, when in fact there was no scars."

Napaisip ako, kaya, kaya laging nakalugay ang buhok nya na nakaharang sa kanang mukha nya. Kaya wala syang confidence.

"Napansin mo ba yung mga sinasabi ko?"

Tumango ako.

"Hindi ako psychiatrist kaya wala akong karapatang magdiagnose, pero yun ang mai-sa-suggest ko sayo."

.

.

.

"Pinupuntahan ka nila sa bahay?" marahang tanong nang isang police officer kay Jasmine.

Umiling ito.

"Sabi nya sakin, pinupuntahan sya ng mga kaibigan nya sa bahay."

"Wala po akong sinabing ganun tita," mahina ang boses nya.

Tinitigan ako ng mga pulis. Lumabas ako ng kwarto.

Maya-maya pa ay isa isa ng naglabasan ang tatlong pulis.

"Ano pong sabi nya?"

"Wala, wala kaming nakuhang impormasyon."

KInagat ko ang ibabang labi ko at saka tumango.

"Kakaiba sya," di napigilang pamumuna ng isang pulis.

Tiningnan namin sya.

"Parang may pinoprotektahan sya e."

"Wala tayong nakuha," banggit ng isa pang pulis. Nilingon nya ko, "Babalik na lang po kami pag mas madami na syang masasabi.

Tumango ako. Nakalayo na sila ng pumasok ako ulit sa loob. Nakaupo sa kama nya si Jasmine, nilingon nya ko.

"Sabi mo pumupunta sila sa bahay, bakit hindi mo yun sinabi sa kanila?"

"Dahil pumunta si Veronica dito kagabi at sabi nya wag daw akong maingay."

Close(s)t FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon