Gretchen's Back

42 1 4
                                    

Hindi ko akalaning babalik sya. OK si Gretchen. OK sya. Halos maiyak ako sa saya ng makita ko sya sa loob ng bakuran namin. Tinawag nya ko. At nagmamadali naman akong lumapit sa kanya.

Sinenyasan nya ko na wag akong maingay. Alam nya sigurong nasa kwarto ko si Jake. Niyakap ko sya agad ng mahigpit nang makalapit na ko sa kanya.

"Miss na kita," halos hindi ako makahinga sa pagpigil ko sa sarili na umiyak.

"Miss na rin kita," malambing at mahina nyang sagot.

"Halika sa loob, bilis."

"Ayoko."

"Bakit?"

"Si Jake kasi," nag aalangan syang ituloy ang sasabihin.

"Anong tungkol kay Jake?"

Umiling lang sya.

Tumahimik kami saglit. Hinawakan ko ang mga kamay nya, magaspang na iyon, hindi gaya ng dati. Kinakabahan siguro sya, parang may gumugulo sa isipan nya kaya malamig din ang mga kamay nya.

"Jas, kailangan ko ng umalis." kumawala sya sa pagkakahawak ko at nagmamadaling lumabas sa gate ng bahay.

"Papasok ka ba sa school?"

Lumingon sya at ngumiti lang.

.

.

.

Pumunta muli sa classroom ang mga magulang ni Gretchen. Umiiyak ito. Hindi pa rin daw umuuwi si Gretchen, nakakapagtaka na nagawa nyang dumaan sa bahay pero hindi nya nagawang magpakita sa mga magulang nya. Kung noong una ay mag isa lang na pumupunta sa eskwelahan ang nanay nya, ngayon may dala na itong mga pulis.

Hinahanap nila si Jake. May tinatagong Diary si Getchen at nabasa ng nanay nya mula don na may gusto nga si Jake kay Gretchen. Wala si Jake ng araw na iyon. Isang bagay rin na nakapagtataka, hindi nya ko dinaanan sa bahay o tinext man lang na di sya makakapasok.

Gusto ko syang ipagtanggol. gusto kong sabihin sa nanay ni Gretchen na ako na ang gusto ni Jake. Naiinis ako na nagseselos. Nakakainis na pinagbibintangan sya sa bagay na alam kong hindi nya magagawa at ikalawa matapos ang gabing iyon alam kong hindi na lang kaibigan ang tingin ko sa kanya.

Hindi sya pwedeng agawin ng kahit na sino sa akin.

 .

.

.

Hindi na naman sya kumakain. Nangangamoy panis na kakaiba na naman sa bahay. Nag spray na ako ng air freshener sa kusina pero hindi pa rin nawawala ang amoy.

Nilinis ko na rin ang sala.

Mabaho rin doon.

Pagkatapos kong malinis ang sala, binuksan ko ang pintuan sa kwarto nya. Nakita kong nakaupo sa kama nya ang manika. Napakarumi nito at parang sa kanya nanggagaling ang kakaibang amoy.

Napakapangit nya, yung pangit na nakakatakot, parang nakangiti at nakatitig pa ito sa akin kaya agad kong sinara ang pinto saktong pagkasara ko, may kung sinong humawak sa kamay ko mula sa likod. Napasigaw ako.

"Anong ginagawa mo?" napakalamig ng boses na iyon.

Nilingon ko sya. Si Jasmine.

"Naglilinis ako."

"Malinis ang kwarto ko."

"Pero mukhang madumi na yung manika mo."

"Hindi sya manika, may pangalan sya, Veronica."

"Oo, madumi na si Veronica, bakit hindi mo sya paliguan?"

"Hindi gustong maligo ni Veronica, ang gusto nya lang lagi ay hintayin ang pagdating ko. Gusto nya lang maging kaibigan ko at wala ng iba."

"Kaibigan mo rin ako diba?"

Matalim ang naging tingin nya sa akin.

Napalunok ako.

Maya maya pa'y lumambot ang ekspresyon ng mukha nito at ngumiti na sakin. "Ok tita."

 .

.

.

Hindi ko napigilan ang pag iyak ko ng gabing iyon. Nagmamadali kong pinulot ang mga biscuit na nagkalat sa sahig. Napakahirap na nyang iplease. Pinunas ko ang mga luha.

"Bakit ka ba nagagalit? Galit ka ba dahil may mga bago na kong kaibigan? Akala ko ba OK lang yun sayo? Gusto ka rin naman nilang maging kaibigan diba? Bakit ba ayaw mo?"

Iniwan ko sya sa loob ng kwarto at tumakbo papunta sa kusina, nakaupo sa bilog na lamesa sila Gretchen, Sarah, at Jake. Nandito sila ngayon sa bahay. Nilingon nila ako at sabay sabay na ngumiti, parang sinasabi sakin na OK lang ang lahat at kahit anong mangyari hindi nila ako iiwan.

Close(s)t FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon