Veronica

43 0 2
                                    

para kay Asher1314... Kasi sya lang ang nag-iisa na nangpipressure sakin hahaha.

Napapadalas ang pag-a-update...

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinakausap nya ang isang manika. Itinuturing iyon na isang kaibigan. Naalala ko si ate dati, nakikipag-usap din sya sa mga manika, pero iba ang sitwasyon ni Jasmine, pakiramdam nya talaga kaibigan nya yun. Pakiramdam nya may buhay ang manika.

"Nagso-softdrinks ka ba?" tanong sakin ng isang matandang babae.

Bakas na sa mukha nya ang katandaan, siguro nasa 70 to 80 years old na sya. Nakaduster lang sya, halatang sa bahay na lang ito nananatili.

Nakaupo ako sa sala ng isang lumang bahay. Katulong ang unang nagpapasok at nagpaupo sakin. Ito siguro yung may ari ng bahay.

Tumayo ako at nagmano. "Ok lang po kahit wag na."

"May itatanong ka kamo tungkol kay Veronica?"

Ngumiti ako at saka naupong muli. Umupo rin sya sa sofa na malapit sakin.

"Ako si Veronica," mataman ang tingin nya sakin.

"Po?"

"Oo,"

"Pano po nangyari yun? E batang babae po yung kalaro ng pamangkin ko dati. Sabi nya lagi daw po nya yun kinakatagpo sa ilalim ng puno ng mangga," itinuon ko ang tingin sa puno ng mangga na matatanaw sa bintana nila.

"Imposibleng ako nga ang kalaro ng pamangkin mo."

Natahimik ako sandali. Tiningnan ko sya at umiling. "Pasensya na po sa abala, mukhang maling Veronica ho yata ang napuntahan ko."

Tumayo ako at inabot ang kamay nya para magmano.

Hinawakan nya ang kamay ko at nagtanong ng bagay na alam ko ang kasagutan pero kahit kailan ay ayokong tanggapin. Napalunok ako.

.

.

.

Buong araw nanatili sa bahay si ate Beth. Naglinis sya. Kung makikita lang sya ni mama, paniguradong mahihiya iyon. Dapat si ate Beth na lang ang nagkaanak. Mas mabuti syang nanay kesa sa mama ko.

"Siguro kung makikita ka ni mama na naglilinis mahihiya yun sayo," wala sa sariling sabi ko, ni hindi ko sya tinitignan.

"Bakit naman? Malinis naman mama mo sa bahay a?"

"Dati, pero lately hindi na. Uuwi sya para kumain pero kinakalat nya lahat."

Isang malakas na lagabog ang naisagot nya sakin. Nabitawan ni tita Beth ang bitbit na dustpan at walis.

Bakas ang gulat sa mga mata nya habang nakatingin sa akin.

.

.

.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Anong gagawin ko?

May pagtataka sa mga mata nya. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Bakit tita?"

Dahandahan akong lumapit sa kanya at niyakap sya. Tumutulo na ang luha sa mga mata ko. Naalala ko ang naging pag-uusap namin ng matanda noong isang araw...

(( "Sabihin mo, may problema ba ang pamangkin mo?" 

"po?"

"Hindi nya ko pwedeng katagpuin sa puno ng mangga, pero pwedeng ako nga yun."

"Hindi ko po kayo naiintindihan."

"Magkaibigan kami simula pa pagkabata ng asawa ko, nang ikasal kami, iginawa nya ko ng rebulto, gaya ng naaalala nyang itsura ko nong mga bata pa kami. Sa lugar kung saan nakatanim ang manggang yan kami laging naglalaro kaya naisipan kong doon ilagay ang rebulto."

Napanganga ako sa mga naririnig ko.

"Ipinalipat ko ang rebulto sa libingan ng asawa ko nung namatay sya. Mga nasa walong na taon na rin siguro ang nakakalipas."

Walang Veronica. Rebulto. Rebulto yung batang kinakatagpo nya sa lugar na yun. ))

Pinapatahan nya ko.

"Bakit ka ba umiiyak tita? Anong problema?"

Itinigil ko ang pagyakap sa kanya. Hinawakan ko sya sa balikat. "Makinig ka, kaibigan mo ko ha? Kung may problema ka, ikukwento mo sakin. Naiintindihan mo ba?"

"Opo,"

"Mahal na mahal kita Jas, tandaan mo yan."

Close(s)t FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon