Killer

17 2 0
                                    

Added Chapter :)

"Magkasama kami ni Gretch bago sya nawala,"

Mga salitang umaalingaw-ngaw sa isipan ko ng gabing iyon habang katabi sa kama si Jake. Yun ang mga salitang narinig kong sinabi nya bago sya makatulog. May kinalaman ba si Jake sa pagkawala ni Gretchen? Tumulo ang mga luha sa mga mata ko, naguguluhan na ko.

"Nakita ko si Gretchen."

Napa-igtad ako sa narinig. Nilingon ko ang nagsasalita. Si Sarah. Nakatingin sya sakin. Tinatapunan din nya ng tingin si Jake.

"Halimaw," sabi nya.

"Sinong halimaw?"

Umiling ito at umiiyak na bumalik kung saan sya naroroon kanina.

Tumalikod ako sa kinaroroonan ni Sarah. Humarap ako sa nakahigang katawan ni Jake sa kama ko.

Nanginginig ang buong katawan ko sa nangyari kanina.

Nakaharap sakin ang mukha ni Jake, hinalikan ko sya sa mga labi.

Natatakot ako Jake. Kung may kinalaman ka man sa nangyari kay Gretchen, hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong mawala ka sakin. Ayokong kunin ka nila sa akin. Itatago kita. Itatago kita ng husto.

Hinawakan ni Jake ang mga kamay ko at inanyayahang yakapin sya. Hinalikan ko sya muli, mas malalim. Tinugon nya ang bawat halik ko.

"Itago mo ko," mga salitang paulit ulit kong naririnig sa kanya.

Lumuluha ako habang kapwa kami hubo't hubad.

"Itago mo ko."

Lumuluha ako habang pilit na isinasara ang pintuan sa pinagtataguan nya.

Close(s)t FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon