Sarah

52 1 0
                                    

Bumalik sa tabi ko yung kaklase ko na pinagbantaan kong sasaksakin sa ngala-ngala pag hindi umalis. Nawalan kasi sya ng pwesto dun sa nilipatan nya kaya wala syang choice.

"Ano, Jasmine, pwede bang dito muna ako ulit umupo?"

Kakarating ko lang nun kasabay kong pumasok si Jake.

Ngumiti ako. "Oo naman."

"Talaga? Hindi mo ko sasaksakin sa ngala-ngala?" natatakot na tanong nya.

Tumawa si Jake sa narinig nya. Nasa likuran ko pa rin sya.

"Grabe ka Jas, ganyan mo pinagbantaan si Sarah?" natatawang sabi nya.

Alangan namang ngumingiti si Sarah.

Hinarap ko si Jake at saka hinampas. Simula ng makilala ko sila ni Gretchen naging masayahin na ko tapos parang nawala yung hiya ko.

"Ouch, grabe talaga to."

Tumingin sya kay Sarah. "Di ka sasaktan nito, para tong bulak, tamaan ka man hindi ka masasaktan."

"Depende naman kung ganu kabigat ang bulak no!" sagot ko.

Nilingon ko ulit si Sarah. "Di kita sasaksakin sa lalamunan," ngumiti ako.

Simula ng araw na yun, nagagawa ko ng makipag usap sa kung sinu-sino. Naging kaibigan ko na rin si Sarah, may mangilan-ngilan na ring pumapansin sakin sa classroom.

.

.

.

Naglalakad kami pauwi ni Jake, nauna na si Sarah sa amin kasi kailangan pa nyang magsaing, cleaners ako kaya hinintay akong matapos ni Jake.

Silang dalawa ni Sarah ang kaibigan ko ngayon, ilang beses ko na rin silang inimbitahan sa bahay, naipakilala kay tita Beth at naikwento kay Veronica.

Naikukwento ko kay Veronica ang mga nangyayari saming magkakaibigan, masaya naman syang nakikinig.

Hindi ko na inuusisa kung may kinalaman man siya sa pagkawala ni Gretchen. At kung may kinalaman man sya, ano naman kayang ginawa nya sa tao? Minsan gusto ko ring magtanong, pero may pumipigil sakin na pag usapan ang bagay na yun.

Hinampas ako ni Jake sa braso.

"Ouch!" hinampas ko rin sya.

Umilag sya kahit na natamaan ko na sya. Tumawa sya. "Tulala ka kaya."

"Hindi no!" pagdi-deny ko.

"Tulala ka, anong iniisip mo?"

"Wala."

Tumigil sya sa paglalakad. Lagi nyang ginagawa yun pag may gusto syang pag usapan namin ng seryoso.

Tumigil din ako.

Nginuso nya yung abandunadong building na nadaraanan namin lagi.

"Bakit?" tanong ko.

"Parang may gumagalaw dun,"

Maya maya pa ay kapwa na kami naglalakad papasok doon.

"Saan mo nakita yung gumagalaw?" tanong ko.

Naglalakad pa rin sya. Nakasunod lang ako sa kanya, bago kami makapasok sa isang kwarto doon, bigla syang huminto. Nabunggo ako sa likuran nya.

Hinarap nya ko habang nakatingin sa mga mata ko.

Bigla akong nakaramdam ng lamig at kilabot.

"Bakit?" tanong ko.

Isinandal nya ako sa pader at saka unti-unting yumuko at inilapit sakin ang mukha nya. Inabot ng labi nya ang labi ko.

Malambot ang mga labi nya. Sobrang lambot.

Tumigil sya at saka ngumuso sa akin.

Akala ko gusto nyang ako naman ang humalik sa kanya pero napansin kong may iba syang nginunguso. Sumilip ako sa kwarto na nasa likuran ko. May bintana roon at maliwanag ang buwan ng gabing iyon.

Isang manika. Nakasandal ito sa ding-ding. Si Veronica.

Umalis na kami agad ni Jake sa lugar na yun, nagmamadali akong umuwi. Pumasok ako sa kwarto. Nakaupo sa kama ko si Veronica, matamis ang ngiti sa mga labi nya.

.

.

.

Nasa bahay sina Jake at Sarah. Sabado non.

"Si tita Beth?" tanong ni Sarah.

"Pumapasok yun sa umaga, dadaan lang ito pag gabi."

"E si mama?" tanong ni Jake.

"Kapatid ba kita?" natatawang tanong ko.

"Kayo ha? Kayo na ba?" tanong ni Sarah.

"Hindi pa," maagap na sagot ni Jake sabay kindat.

Tumawa na lang ako.

"Tuwing kailan pumupunta dito nanay mo?" tanong ni Sarah.

"Nitong mga nakaraan, umuuwi sya gabi gabi."

"Oh, di hihintayin namin sya," sabi ni Jake. "Pag umuuwi ba sya san sya natutulog?"

Hindi ako nakasagot. Saan nga ba sya natutulog?

"Isa lang kwarto dito e. para ngang pang isahang tao lang tong bahay nyo e. Tabi kayo natutulog?" tuloy tuloy na sabi ni Jake.

"Oo," yun na lang ang naisagot ko.

Lumabas sandali sina Sarah at Jake habang naghahanda ako ng hapunan namin.

Naririnig ko ang malakas nilang halakhakan.

Narinig ko ring may sinasabi si Veronica.

"Mukhang masaya sila. Mukhang iiwanan ka ng mga kaibigan mo."

Bwisit!

Pumasok ako sa kwarto.

"Anong problema mo?" galit na galit kong tanong sa kanya.

"Amm, Jas," nang galing sa likuran ko ang boses.

Nakalimutan kong isara ang pintuan.

Si Sarah.

Nakatingin lang sya sakin.

Close(s)t FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon