Friends ?

48 1 0
                                    

"Bakit hindi ka pumasok nung Friday ha?"

Napaigtad ako ng marinig ang boses ni Jake mula sa likuran ko.

Nakangiti akong nilingon sya.

Ngumiti rin sya.

Nasa tapat sya ng bahay namin at hinihintay akong lumabas.

"Hindi ako pinapasok ni tita."

"Bakit?"

Sasabihin ko ba sa kanya yung totoo? Maniniwala kaya sya?

"May assignment ba tayo?" pagbabago ko sa usapan.

"Wala, kung meron e di sana dinaanan kita sa bahay nyo."

Ngumiti ako ulit.

Kinindatan nya ko.

Nakakaloko yung mga kindat nya para bang may gustong ipahiwatig.

"Natatakot ka ba sakin Jake?" hindi ko alam kung bakit iyon yung tinatanong ko, siguro kasi natatakot ako sa katotohanan na baka kagaya rin sya ng iba, iiwan ako kasi hindi ako maganda.

"Oo," natatawang sagot nya.

Tinitigan ko sya.

"O yan, yang titig na yan ang nakakatakot, iwasan mo na kasi ang maging mataray at suplada, yung tipong parang kakainin mo yung taong nasa harapan mo. Wag ganun," pagpapaliwanag nya.

"Hindi dahil sa itsura ko?" tanong ko ulit.

"Sino ba namang baliw ang matatakot sa itsura mo? Ang ganda mo kaya."

"May peklat ako sa mukha," pagbibigay alam ko sa kanya, na para bang hindi pa nya alam ang tungkol sa bagay na yun.

"So?"

"Hindi ka nandidiri sakin?"

"Bakit?" natatawang sagot nya. "Alam mo, andaming may gusto sayo, hindi mo lang pinapansin kasi nga aloof ka."

Ngumiti ako.

"Maganda ka, ewan ko kung bakit ka nagkakaganyan pero alam ko maganda ka."

Natapos ang usapan namin sa sinabi nya.

.

.

.

Araw araw na kaming sabay pumapasok at umuuwi ni Jake.

Isang araw habang naglalakad kami pauwi nagtanong sya sakin.

"Ano ba tayo?"

Tinignan ko sya na parang naguguluhan.

Ngumiti sya, "di bale na lang."

"Magkaibigan, magkaibigan tayo diba?"

Tumawa sya.

Ngumiti na lang din ako. Wala akong naiintindihan sa sinasabi nya.

Huminto sya saglit. Huminto rin ako.

"Pag sinabi ko bang gusto kita anong gagawin mo?"

Tinitigan ko sya.

"Gusto kita e."

"Si Gretchen?"

Si Gretchen ang unang pumasok sa isip ko. Ganun na lang yun, pagkatapos nyang magustuhan si Gretchen dahil wala na yun ngayon ako naman ang gusto nya?

"Umamin ako sa kanya na gusto ko sya bago sya nawala, alam mo kung anong nangyari? Pagkatapos non parang nawala lahat ng pagkagusto ko sa kanya." nakangiting sagot nya.

"Kailan ka umamin?"

"Nung gabi bago sya mawala."

"Pano?"

"Anong pano?"

"Natagpuan yung mga gamit nyang duguan sa may tulay. Wala ba syang ibang kasama nung kausapin mo sya?"

"Wa-wala," mahinang sabi nya. Tumingin sya sakin. "Wag na natin tong pag usapan."

At may nagsasabi rin sakin na wag na yun pag usapan pa.

.

.

.

Nakauwi na ako sa bahay, wala si tita pero may iniwan sya ulam sa ibabaw ng mesa. Kakainin ko ba yun? Ilang gabi na rin akong napapanisan ng ulam. Parang hindi na naaalis sa buong bahay ang amoy nun.

Bihira na lang ako pumasok sa kwarto. May tampo pa rin ako kay Veronica, kaya mas pinipili ko na lang maglatag ng banig sa sala at doon matulog.

Maya maya pa ay may narinig akong naglakad sa may kusina, sumilip ako, pumasok mula sa pintuan sa likod si mama.

Ilang araw na syang hindi umuuwi.

Nginitian ko sya.

Mauuubos ang ulam ngayong gabi.

.

.

.

Nagkaroon ako ng lakas ng loob kinaumagahan na kausapin si Veronica, gusto kong malaman kung may kinalaman ba sya sa nangyari kay Gretchen.

"Anong ginawa mo?" tanong ko sa kanya.

Tinitigan kong maigi ang suot nyang bracelet, wala ng nakabalot na dugo roon.

Malungkot sya. Sobrang lungkot nya.

Umalis ako sa kwarto nagpunta sa kusina at saka nagpakulo ng tubig, nagtimpla ng kape at kumuha ng mga biskwit. Bumalik ako sa kwarto, inihatag iyon sa kanya.

Kahit anong mangyari kaibigan ko pa rin sya at ang tunay na magkaibigan ay hindi nag iiwanan.

Hindi ko dapat sya tiniis ng ganun katagal. Ayaw nya lang naman na mawala ako sa kanya. Kailangan ko lang siguraduhin na maipapaalam at mapaparamdam  ko sa kanya na kahit na  may bago na akong mga kaibigan ay kaibigan nya pa rin ako.

Close(s)t FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon