Jake

54 1 0
                                    

"Gusto ko sya," mahinang sabi ni Jake sakin habang hinihintay naming lumabas ng classroom si Gretchen. Ilang araw na rin kaming sabay sabay na umuuwi.

      Kaya pala lagi nyang sinasamahan si Gretchen.

      "May nagugustuhan ka na ba?"

     Tinitigan ko sya. Napakunot ang noo ko. "Wala e," yun lang naisagot ko.

     "Bakit?"

     "Ni wala nga akong kaibigan e, crush pa kaya?"

     "Ha? E kaibigan mo na kami ngayon ni Gretch, oh di pwede ka ng magka-crush?" natatawang sabi nya.

      Ngumiti lang ako. Masaya ako kasi may nakikipag usap sakin ng ganun.

     "dapat lagi kang nakangiti kaya ang daming natatakot sayo e."

     Ngumiti ako ulit. "Amm Jake,"

    "Baket?"

    "Magkaibigan na ba talaga tayo?"

    Ngumiti sya ng malaki. "Oo, magkaibigan na tayo."

    Maya maya pa'y lumabas na si Gretchen. "Oy!" una nyang pagbati.

   "Tara uwi na tayo," pagyayaya ko.

   "Hindi ako sasabay sa inyo. Nakuha kasi ako sa cheerdance, kaya baka sila Lalaine kasabay ko umuwi mamaya."

   "Ganun?" dismayadong tanong ni Jake. "Osige, kami na lang ni Jas sabay uuwi, mag ingat ka ha?"

   "Sila na ba kaibigan mo?"

   "Kaibigan ko rin sila."

   "Kung kaibigan mo sila, baka pwedeng maging kaibigan din namin sila ni Jake tapos, sabay sabay na tayong umuwi," nakangiting sabi ko.

    "Maiinip ka lang Jas, umuwi na kayo, promise bukas sasabay na ako sa inyo."

    "Ok na yan Jas, sabay na lang tayo umuwi," nakangiting sabi ni Jake sabay kindat.

    "Osige, mag iingat ka na lang."

.

.

.

Ilang araw ng hindi umuupo sa upuan ko si Jake at ilang araw na ring hindi sumasabay sa pag uwi namin si Gretchen. Kahit pag break time hindi na nya kami kinakausap.

    "Mas gusto ba nya yung mga babaeng yun maging kaibigan kesa sa atin?" tanong ko kay Jake. Kapwa kami nakaupo sa may bleachers ng school. Nasa may ground si Gretchen at yung mga kasama nya na cheerdancers.

     "Hindi naman siguro, baka naman masaya lang sya dyan."

     "Mas masaya kesa sa tayo yung kasama nya?"

     "Nakakaselos no?" nakangiting sabi nya. "Kinakausap ka pa ba nya?"

     "Hindi na e. Ikaw ba?"

     "Sa tingin mo kinakausap nya ko?" natatawang sagot nya. "Pano ba yan? mukhang you and me againts the world na lang."

      Dumila ako sa kanya.

Close(s)t FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon