Bracelet

49 2 0
                                    

Ilang araw ng hindi pumapasok si Gretchen, nagtataka na ang buong klase. Akala namin may sakit lang o kung ano pero nagulat kami nong magtanong samin yung nanay nya. Hindi pa raw umuuwi si Gretchen sa kanila. May nakapagsabi na nakipagtanan daw sya, sobrang sama ng loob ni Jake nun. Ang hinala noong una, yung varsity player namin sa basketball yung kasama nyang nagtanan pero nawala lahat ng pag aakala ng makita sa may tulay malapit sa school yung mga gamit ni Gretchen, puro dugo.

.

.

Umuwi kami ni Jake na parehong hindi nag uusap kung totoong patay an si Gretchen sinong gagawa sa kanya non?

    Pumasok agad ako sa kwarto. Nakita kong nakangiti sakin si Nica.

    Naalala ko ilang araw na rin nya akong nginingitian pero hindi ko sya pinapansin.

    "Bakit ka nakangiti ha?" malakas ang boses ko ng tinanong ko sya.

    Hindi ko sinasadyang mapatingin sa bracelet na nakapulupot sa kamay nya. May kulay pula na bumabalot doon.

    "Ano yan?"

    Tumawa sya.

   "Pinatay mo sya? San mo sya dinala? Anong ginawa mo kay Gretchen?"

    Walang tigil syang tumawa. Nakakabingi.

    Sumigaw na rin ako ng sobrang lakas.

 .

.

.

Napakalakas ng sigaw na yun para hindi ko marinig mula sa gate ng bahay nila. Nagmamadali akong pumasok sa loob.

   Nakita ko syang nakatakip ang tainga na nakaupo sa sahig ng kwarto nya. Agad ko syang hinatak palabas ng kwarto.

   Niyakap ko sya "Anong nangyari?"

   Iyak lang ang isinagot nya sakin.

  Hindi na ako nag usisa pa. Naglatag ako ng banig sa sala at dun kami natulog na dalawa.

 .

.

.

Gumising ako ng maaga para asikasuhin ang almusal namin, nasa mesa pa rin yung ulam na dinala ko kahapon, medyo mabaho na kaya tinapon ko iyon sa labas. Bumalik ako sa kusina pero parang hindi nawala yung baho ng panis na ulam tapos parang kumalat na yun ngayon sa buong bahay.

Close(s)t FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon