Beth

37 1 0
                                    

Nagmamadali akong umuwi sa bahay ko ng gabing iyon, Baliw na sya. Hindi ko alam ang gagawin ko, Natatakot ako. Natatakot sa mga kayang likhain ng utak nya. Nakita ko ang galit sa mga mata nya ng sabihin kong patay na ang mama nya. Kinilabutan ako.

Para bang isang napakatinding sikreto ang naibunyag ko na pilit nyang tinatago.

Anong gagawin ko?

Pumasok ako sa kwarto at itinaktak sa kama ang laman ng bag ko. Maraming nakalumos na papel doon, isa isa ko iyong binuklat hanggang sa makita ko ang hinahanap ko.

Yung flyer na pinamimigay sa school na pinapasukan ni Jasmine. may mukha iyon ni Gretchen, nakangiti ito. May nakalagay na MISSING at may numero sa ilalim. Tinawagan ko iyon. Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa pero alam kong alam ni Jasmine kung nasan ngayon si Gretchen.

.

.

.

Walang sigla ang boses ng babaeng sumagot sakin sa kabilang linya.

"Hello?"

"Sino to?"

"Parang may alam po ako sa pagkawala ng anak nyo pero di ko pa masasabi ngayon."

"E bakit ka pa tumawag?" halos naiiyak na ang boses sa kabilang linya.

Naiyak na rin ako. At saka ibinaba ang telepono.

Pakiramdam ko mababaliw ako.

Tuluy-tuloy ang pag agos ng luha sa mga mata ko.

.

.

.

"Nakikita ko si mama, at totoo sya, ikaw ang sinungaling!"

Nanginginig ako habang pinagmamasdan syang galit na galit na imiikot sa buong sala.

Gusto ko syang lapitan at yakapin pero natatakot ako.

"Patay na sya," mahinang sabi ko.

"Hindi! Hindi sya patay!" umiyak na sya ng ubod ng lakas gaya ng ginagawa nya nung bata pa sya. Naupo ito sa sahig at walang tigil na sinipa ang mga sofa sa paligid nya.

Naging hysterical sya kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Yayakapin ko sana sya ng bigla nyang ibinagsak ang ulo na agad namang sinalo ng center table na gawa sa salamin. Nabasag iyon at nawalan naman sya ng malay.

Natulala ako saglit habang pinagmamasdan ang dugo na umaagos na sa ulo nya.

.

.

.

Umiiyak sya sa hospital nang magising. Pinipilit nya ko iuwi na sya sa bahay pero hindi pa sya pinapayagan ng mga doktor na makauwi.

"Tita, maawa ka sakin, iuwi mo na ko, ayoko dito," hawak nito ang kaliwang kamay ko.

"Hindi pa pwede," hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Paulit-ulit akong lumunok. Hindi ko alam kung bakit parang napakalamig ng mga kamay nya.

"Walang magpapakain kay Veronica, magagalit sya sakin tita. iiwan nya ko, mawawalan na ko ng kaibigan."

Tinitigan ko sya. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatingin lang sa kanya.

"Iuwi mo na ko."

"Hindi, hindi ka uuwi hanggat hindi ka magaling."

Binitawan nya ang kamay ko at itinulak iyon palayo sa kanya. "Sabi mo, kaibigan kita. Sinungaling ka."

"Kaibigan mo ko."

"Hindi! Hindi!"

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang lumayo sa kanya.

Panandalian kaming nanahimik.

Tumingin sya sa dereksyon ko, "Sorry po. Ayoko lang talaga dito."

"Kapag magaling ka na, makakalabas ka na."

"Promise?" ngumiti ito.

Napakabilis nyang magpalit ng emosyon.

Tumango lang ako.

Close(s)t FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon