Jasmine

54 1 0
                                    

Hindi ako umuwi ng bahay ng gabing iyon. Halos ubusin ni Jasmine ang tubig sa katawan nya sa kaiiyak, hindi ko naman alam kung bakit. Wala syang balak magkwento, alam ko yun, nakita ko na ang pag iyak na yun dati.

Anim na taong gulang sya noon, nagbakasyon sila ng ate ko dito sa Tarlac. Ilang araw syang umuuwi nun ng gabing gabi tapos pag tinatanong namin kung saan sya nanggaling ang isasagot nya lang ay nakipaglaro sya kay Veronica.

Pangalan ng isang bata na kahit kailan ay hindi naalis sa sistema ni Jasmine. isang batang babae na kahit kailan ay hindi namin nakilala.

Masaya naman si ate noon kasi nakikita nyang nakangiti palagi si Jasmine, at sobrang natutuwa kami kasi nakakayanan na nitong makihalubilo sa ibang bata.

Nagtatrabaho ang ate sa Maynila kaya pinapaalagaan nya si Jasmine sa kapitbahay nila.

Sobra ang tiwala ni ate na nababantayan ito ng maayos doon, hanggang sa isang araw nabalitaan na lang nya na binuhusan ng kumukulong tubig ng anak ng kapitbahay nila si Jasmine.

Naipahospital at naipagamot naman ng mga ito ang pamangkin ko pero hindi na nawala ang trauma nito sa tao at lalong lalo na sa mga batang kasing edad nya kaya nagpasya si ate na pagbakasyunin muna ito dito sa Tarlac.

Maganda naman ang naging bunga kasi nagkaroon nga sya ng kaibigan.

Hanggang sa isang araw bigla na lang itong umuwi, umiiyak at paulit-ulit lang nabinabanggit ang pangalang "Veronica". Simula noon hindi na ito lumalabas ng bahay. Hanggang sa ibalik na lang sya sa Maynila ni ate.

Ipinagtanung-tanong ko na kung sino ba yung Veronica na yun pero kahit sino walang nakakakilala sa kanya tsaka sa dinamidami ng puno ng mangga dito baka malaman ko kung saan sila madalas na nagkikita ng batang iyon.

Mga ala-una pasado na ng makatulog ako. Kahit kasi nakapikit na ang mga mata nya, may mga oras pa rin na bigla syang hihikbi. Kung nandito lang sana si ate. Bakit ba kasi kailangan nyang iwanan si Jasmine ng mag isa, masyado syang makasarili.

.

.

.

Nagising ako ng lumabas si tita ng bahay, may itinapon yata sya sa labas kasi agad din naman syang pumasok.

Natatakot akong matulog sa kwarto ko. Ayokong makita si Veronica. Ano bang problema nya? Ano bang gusto nyang mangyari? Sino bang unang nang iwan saming dalawa? Sya naman e. Pagkatapos ng ilang araw na magkasama kami lagi, bigla na lang syang nawala, tapos iniwan pa nya sa ilalim ng puno yung bracelet na tanda na magkaibigan kami, na hindi nya ako iiwan.

Naisip ko noon na kagaya lang sya ni Frances, na pareho lang sila. Kaibigan ko noon si Frances at si Patricia, lagi kaming magkasamang naglalaro noon sa Maynila.

Isang araw nakipag agawan si Patricia sa hawak kong laruan, akin yun. Gusto ko lang naman paglaruan muna yun bago nya hiramin. Maya maya pa ay galit itong umalis. Ngumiti lang sakin si Frances at sinabing hayaan na lang namin si Patricia.

"Tayo na lang mag play, hindi natin sya bati," sabi nya habang hawak ang kamay ko.

"Pero kaibigan natin sya diba?" nakatulalang tingin ko sa kanya.

Sila lang ang kaibigan ko, siguro kasi bihira lang naman akong palabasin ni mama. Natatakot sya na mawala ako sa kanya, yun ang lagi nyang sinasabi, pag nagpupumilit akong lumabas ng bahay kapag wala syang pasok, lagi nyang sinasabi na malulungkot sya kapag wala ako sa bahay kaya nananatili ako sa loob.

"Hindi natin sya bati kasi masama sya," sabi nya sakin.

Hindi ko alam kung saan niya nakukuha yung ganun, naporke masama lang ang isang tao hindi pwedeng maging kaibigan.

"Osige," na lang ang naisagot ko.

Maya maya pa ay bumalik si Patricia, may bitbit syang takure, ang naaalala ko na lang ay kung ganu kahapdi yung balat ko. Hindi ako makaiyak pero si Frances walang tigil sa kasisigaw.

Simula noon pinagbawalan na ako ni mama na lumapit kay Patricia, pero hinayaan nya kong makipaglaro kay Frances ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi na ako pinapansin ni Frances at kung bakit sa tuwing tititigan nya ko may halo ng pandidiri sa mga mata nya.

Nag iwan ng malaking sugat sa kanang pisngi at braso ko yung pagkakapaso ko. Hanggang ngayon makikita pa rin yun. Nagagawa ko yung takpan minsan, minsan lang. Ayaw ng tao sa pangit. Ayaw nila sa halimaw, may makikipagkaibigan sandali pero iiwanan at sasaktan ka lang.

Nilapitan ako ni tita.

"Ok ka na ba?" tanong nya.

"Opo."

"Wag ka munang pumasok ha?"

Biyernes ngayon.

"Osige po," sagot ko.

"Kumain ka na, maglilinis tayo mamaya ng bahay."

Ngumiti ako.

"Tayo ha? Tulungan mo ko," natatawang sabi nya.

Hindi ako mahilig mag linis. Lalo na ng kwarto ko.

Close(s)t FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon