Closed Door

48 1 4
                                    

Isinara ko bigla ang pintuan, kinilabutan ako sa maaaring isipin ni Sarah sakin. Iiwan nya rin ba ako? Sinong makikipagkaibigan sa babaeng nakikipag-usap sa isang manika?

Tinitigan ko si Veronica.

Kaibigan ko sya, sya lang ang nandyan para sakin nung mga panahong kailangan ko ng kaibigan. Sila lang ni tita Beth. Pero narito na ngayon sila Jake at Sarah. Gusto ko rin silang maging kaibigan.

Aktong bubuksan ko na muli ang pintuan ng may pumigil sa kamay ko. Isang boses na nagsasabing Hindi ako iiwan ni Sarah, na wag akong mag-alala, sya na ang bahala.

 .

.

.

Pumasok si Sarah sa kwarto pagkatapos ko syang kausapin.

Nakakatuwang isipin na hindi nga nya ako iiwanan.

Ipinakilala ko sya kay Veronica.

Magkakilala na ang mga kaibigan ko.

.

.

Nakailang katok si Jake sa pintuan ng bahay.

Hindi ko alam kung natatakot ba sya.

Pinagbuksan ko sya.

"Bakit ganun ka kumatok?"

"Si Sarah? Nandyan ba sya sa loob?"

"Oo, nasa kwarto sya."

"Buti naman, akala ko kasi kung ano ng nangyari sa kanya e. Anong ginagawa nya sa loob?"

"Natutulog, hihintayin daw nyang dumating si mama e," ngumiti ako.

"Gusto ko ring hintayin si mama," ngumiti rin sya.

"Di na tayo kasya sa kwarto e, ok lang ba sayo na sa sala ka na lang?"

Ngumiti sya. "Sige dito na lang ako sa sala, pero dito ka rin, hayaan mo na si Sarah sa kwarto."

"Sa kwarto na ko."

"Ayaw mo ba ko katabi?" tumaas ang boses nya.

Umupo sya sa sofa.

Nagulat ako sa lakas ng boses nya.

"Ayaw mo ba kong kasama?"

Umiling ako at lumapit sa kanya. "Gusto kitang kasama, kaibigan kita diba?"

"Kaibigan? Yun lang? Hindi ako nag aaksaya ng oras ko sa babaeng kaibigan lang ang gusto sakin Jas."

"Pero ang akala ko magkaibigan tayo."

Tumayo sya at dahan-dahang lumapit sakin. Umaatras naman ako sa bawat pagkakataong nilalapit nya ang sarili nya, hanggang sa nakadikit na ang likod ko sa dingding.

Hahalikan nya ko ulit pero umiwas ako.

Galit na sinuntok nya ang dingding sa likuran ko. Natauhan yata sya na baka dahil doon ay nagising nya si Sarah kaya agad nyang pinuntahan ang kwarto ko at binuksan ang pinto.

Pipigilan ko sana sya, baka magising sila.

Tulog pa marahil si Sarah kaya dahan-dahan nyang isinara ang pintuan. Tumingin sya sakin.

Kinuha nya ang mga gamit nya sa sofa at saka nagmamadaling lumabas ng bahay.

Pati ba sya iiwanan na ko? Bumilis ang tibok ng puso ko.

Habulin mo sya. Habulin mo sya, sabi ng boses sa utak ko.

Iiwanan ka na rin nya. Kailangan mong gumawa ng paraan.

.

.

.

 Tumakbo ako. Hinabol ko sya.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari basta ang naaalala ko na lang, hindi ko na nakita sa kwarto si Sarah. Isinara ko ang pintuan sa likuran ni Jake. Hindi na nya ko iiwanan ngayon.

Hindi na nila ako iiwan.

Close(s)t FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon