Chapter 9: Martyr

156 9 1
                                    

Timothy's POV

Its been one week mula nung birthday ni Arth at eto ako. Everyday na sinusuyo si Kyla kahit lagi niya akong pinapahiya sa iba.

"Wow! Pepero!!! Para kanino yan dude?" -Bryle

"Kanino pa ba?! Syempre para kay Kyla yan!" -James

"Alam mo Tim, di ka ba naaawa sa sarili mo dude? Lagi ka niyang pinapahiya eh." -Wayne

"Alam mo, itigil mo na yang pagiging martyr mo dude!" -James

"Psh. Hayaan niyo nga ako! Wala naman akong paki sa pagpapahiya niya sakin." tapos iniwan ko na sila.

Wala akong pakialam kahit mukha na akong kawawa sa pagsuyo kay Kyla. Mahal ko siya eh.

Pumunta ako ng gym at sakto nakita ko si Kyla na palabas ng gym. May kasama siyang kaibigan niya.

"Kyla.."

"Girls, you go first na! I'll just talk to this guy." Sabi niya at lumabas na yung mga kaibigan niya.

Naiwan kaming dalawa sa loob ng gym.

"Kyla, for you." tapos inabot ko sa kaniya yung pepero.

Hinawi niya yun kaya nalaglag sa floor.

"Timothy, why can't you understand what I just said?! Diba sabi ko tigilan mo na ko?!"

"Kyla, ayoko nga! Mahal na mahal kita!! Sabi mo may pag-asa ko? Kaya nga ako pumunta dito ay para sayo eh."

"And so?! Wala akong pakialam kung ako man ang dahilan ng pagpunta mo dito sa Pilipinas. Listen, ayoko sayo and never magiging tayo!!!" then umalis na siya.

Napaupo na lang ako sa floor. Sobrang sakit. Naramdaman ko na may pumatak na luha mula sa mata ko.

Wala lang pala ako sa kaniya? Pinaasa lang ako ni Kyla.

Tumayo na ako at pagtalikod ko nakita ko si Makie. Pinunasan ko agad yung luha ko.

"Ahm.. a-ayos ka lang ba?" tanong niya.

"Ano ba sa tingin mo?! Nakita mo yung nangyari noh? Pagtatawanan mo na ko kasi para na akong tanga. Dba?!"

"Bakit naman kita pagtatawanan?! Ang gusto ko lang naman eh itigil mo na yang kahibangan mo kay Kyla! Timothy, maawa ka naman sa sarili mo. Ginagawa ka na niyang kaawa-awa eh! Tumigil ka na!" sigaw niya. Napayuko na lang ako.

"Alam ko lagi tayong nagbabangayan pero this time.. gusto ko sanang payuhan ka na tumigil ka na. Itigil mo na ito. Para sayo din naman itong sinasabi ko eh."

Hinarap ko siya at niyakap na lang bigla. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Ako din naman eh. Ewan ko kung bakit niyakap ko siya.

Siguro kasi kailangan ko ng taong makikinig sa akin ngayon.

"Gusto mo ba ng kausap?" halos pabulong niyang tanong.

Tumango ako habang yakap siya.

"Nandito lang ako. Makikinig ako sayo." sabi niya.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko at saka siya hinarap.

"Tara, uwi na tayo." sabi ko. Tumango naman siya at umuwi na nga kami.

Pagdating namin sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko. Gusto ko munang mag-isa.

Ginawa ko naman yung lahat eh. Bakit ganun? Bakit kailangan niya akong saktan? Bakit Kyla?

Mahal na mahal pa naman kita.



Makie's POV
Naaawa ako para kay Timothy. Bakit ba kasi kailangan niya pang ipagpilitan ang sarili niya sa taong ayaw sa kaniya?

Pinagmumukha na nga siyang tanga ni Kyla pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

Sa ginagawa niya parang nanibago ako. Hindi kasi ganun yung Timothy na kilala ko.

Yung Timothy kasi na kilala ko eh Devil, masama ang ugali at lagi akong trip. Ibang-iba sa nakikita ko ngayon.

Natapos na ako magluto kaya naman naisipan kong dalhan siya sa kwarto niya. Baka kasi gutom na siya. Dadalhan ko na lang kasi ayaw naman niyang lumabas ng kwarto niya eh.

*Tok Tok Tok*

"Timothy?"

Ayaw sumagot.

*TOK TOK TOK*

"Ahm.. may dala akong pagkain mo. Baka kasi guto-----"

"Ayoko kumain." narinig kong sabi niya. Di pa niya kasi binubuksan yung pinto.

"Pero baka malipasan ka ng gutom. Iiwan ko na lang dito ah?" di siya sumagot kaya naman nilapag ko na lang sa tapat ng pinto niya.

Bumalik na ako sa kusina para kumain na din. Maya-maya biglang tumunog yung doorbell kaya naman tinignan ko kung sino.

"Hi Makie!!!" sila Erin at Aina pala.

"Oh, bakit nandito kayo?" pinapasok ko naman sila.

"Wala lang. Gagala lang. Haha." -Aina

"Wow. Ang ganda pala talaga ng bahay niyo." -Erin

Naupo kami sa couch.

"Nasan si Timothy?" -Aina

"Nasa kwarto niya. Nagmumukmok." sagot ko.

"Haay. Dahil pa din ba yan kay Kyla?" tumango lang ako sa tanong ni Erin.

"Alam mo parang sira yang fiancee mo. Bakit niya ba pilit na pinagsisiksikan ang sarili niya kay Kyla? Ayaw nga kasi sa kaniya nung tao. Nagmumukha na siyang tanga eh." -Aina


"Huy Aina! Marinig ka naman ni Timothy." saway ko.

"Eh ano?! Wala akong pake noh! Totoo naman kasi eh. Nakakaawa na nga siya. Pilit pa din niyang hinahabol si Kyla." -Aina


" *sigh* Oo nga eh."


"Kung ako sayo Makie, kausapin mo si Timothy. Sa tingin ko kasi kailangan niya ng kausap. Kailangan niya ng comfort. Siguro mahal na mahal niya talaga si Kyla kaya sobra siyang nasasaktan ngayon." -Erin



Tumango-tango na lang ako. Siguro nga dapat kong i-comfort siya.



Hindi naman nagtagal yung dalawa dito. Kumain lang kami at nagkwentuhan saka sila nagpaalam na uuwi na.




Naisipan ko namang icheck si Timothy sa kwarto niya. Pero ganun pa din. Sarado pa din yung pinto at nandun pa din yung pagkain niya kung saan ko mismo iniwan.



Napabuntong-hinga na lang ako. Pumasok na lang ako sa kwarto ko para magpahinga.




Siguro bukas ko na lang siya kakausapin.
















--------------------
Please vote. Kamsa.






Saranghae~ ♥

My Devil Fiancee [ChorongxJungkook Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon