Chapter 28: Late Celebration (pt. 2)

28 1 0
                                    


A/N: Timothy at the multimedia :'>

------------------
Makie's POV

Pagkapasok namin ni Timothy sa loob nung amusement park sobrang na-excite talaga ako dahil sa nakita kong mga outdoor rides. Napaka-thrilling tignan nung mga rides.




Mas dumoble tuloy yung excitement na nararamdaman ko!




Sa sobrang pagka-excite ko ay bumitaw na ako kay Timothy at agad agad na tumakbo. Excited na ko eh! Hahaha.






Pipila na sana ako sa may 'Caterpillar Ride' ng may bigla na lang humatak sa braso ko. Paglingon ko, si Timothy pala.







"Tim, bakit ba?!" naiinis na sabi ko. Kasi naman eh! Kating-kati na ko mag-enjoy eh. Aish.







"Bakit kasi tumakbo ka agad-agad?! Paano kung hindi kita agad nahanap? Tsk. Pwede ba wag kang masyadong matigas ang ulo?! Daig mo pa yung 5-years-old na bata kung umakto!" naiinis na sigaw niya. May mga taong nakatingin na din sa gawi namin.







Napayuko na lang ako. "Sorry.."







"Tss. Wag ka naman kasing basta basta na lang umaalis! Alam kong excited ka pero wag ka naman sanang masyadong childish! Nakakahiya ka sa iba. Tsk." dagdag pa niya. Naiiyak na ako kasi feeling ko pinapahiya niya ako. Madami ng tao yung nakatingin eh.






"Eh di sorry na! Sorry na kung napaka-isip bata ko! Nahihiya ka na bang kasama ako? Edi wag mo kong samahan! Kaya ko naman mag-enjoy ng mag-isa! Hindi mo naman kailangang ipahiya pa ako sa harap ng madaming tao!" umiiyak na sigaw ko kaya naman tumalikod na ako at iniwan na siyang nakatayo lang doon.







Kung nahihiya siyang kasama ang isang childish na katulad ko, pwedeng pwede namang wag siyang makisama sa akin eh. Kaya kong mag-enjoy ng mag-isa lang.








Naupo ako sa isang bench saka tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko saka umiyak. Oo na, childish na ko!




Naramdaman kong may nakiupo sa tabi ko pero di ko iyon tinignan kung sino. Basta umiiyak lang ako. Wala akong paki kung pagtinginan man ako ng ibang tao dito. Nasaktan kaya ako sa mga sinabi ni Timothy!






"Makie.." natigil ako sa paghikbi ng marinig ko yung tumawag sa pangalan ko. Si Timothy yung tumabi sakin.






Nagulat ako ng alisin niya yung pagkakatakip ng dalawa kong palad sa mukha ko. Bigla na lang niya akong niyakap habang naka-upo pa din kami sa bench.








"A-ano-----" natagil ako sa pagsasalita ng magsalita din siya bigla.









"I'm sorry. Sorry kanina. Shh, stop crying." sabi niya saka inalis ang yakap saka niya pinunasan ang mga luha sa mata ko.










Sa inis ko, sinuntok ko siya ng mahina sa may dibdib.







"Kainis ka kasi eh! Pinahiya mo ko!" humihikbing sabi ko.








"Sorry na talaga. Wag ka ng umiyak." niyakap niya ulit ako hanggang sa tumigil na ako sa pag-iyak.







Nang kumalma na ako sa pag-iyak, binili niya ako ng ice cream. Pampakalma daw. =____=








"Libot na tayo?" tanong niya pagkaubos namin ng ice cream. Ngumiti naman ako saka kami tumayo mula sa pagkakaupo sa bench.






My Devil Fiancee [ChorongxJungkook Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon