Hi guys! Kamusta? Don't forget to leave a comment or vote after reading this chapter ha? :D Kamsa~
Hmm.. Arth on the MM. Wafu wafu ano? Hehehe.
-------------------
Makie's POV
Nandito nga pala ako ngayon sa clinic ng hotel. Ginagamot ng nurse yung injured foot ko.
Kung tinatanong niyo kung anong nangyari sa game eh ang Team nila Timothy ang nanalo. Anim na flaglets kasi ang nakuha nila. Yung team namin apat na flaglets lang ang nahanap.
At ang prize ng team nila ay binigyan sila ng permiso para makagala sa buong Tagaytay bukas, which is the last day ng Basketball Camp.
Ang daya noh? Buti pa sila makakalabas ng hotel. Psh.
"Masakit pa ba hija?" tanong nung nurse. May binalot kasi siyang kung ano sa paa ko. Ewan ko. Di ko alam ang tawag dun.
"Ahh.. medyo po. Pero mas okay na siya ngayon. Di na po gaanong masakit." nakangiting sabi ko. Ngumiti din siya sakin.
"Pahinga ka muna diyan hija ah? May kukunin lang ako saglit." sabi ni nurse saka siya lumabas ng clinic.
Bumukas naman yung pinto at pumasok si Arth kasama si Erin at Aina. Alam niyo bang alalang-alala silang tatlo kanina? Hahaha. Binungangaan pa nga ako ni Aina dahil ang clumpsy ko daw.
"Kamusta na ang paa mo Makie?" tanong agad ni Arth.
"Medyo okay na siya." saka ako ngumiti.
"Ano ba naman kasing kagagahan ang ginawa mo't napilayan ka?!" -Aina
"Here comes the armalite again!" -Erin
Natawa naman kami ni Arth. Maya-maya ay iniwan na kami nung dalawa. Ewan ko ba sa dalawa na yun. Hahaha.
Hindi ba nila alam na hindi ko na crush si Arth? Haha. Ewan ko, pero hindi na malakas ang epekto sakin ni Arth eh. Kung noon, simpleng bagay lang na gawin ni Arth kinikilig na ko. Ngayon, wala na talaga eh.
Hindi kaya gusto ko na talaga si Timothy? No Makie! Wag dun sa Devil mong fiancee. Tss.
At may rule kami. Isang golden rule na bawal kaming ma-fall. Tss.
"Makie, are you okay?"
Nabalik ako sa wisyo ng magtanong si Arth. Nginitian ko siya.
"Ahh oo. Napagod lang siguro."
"You know what, you should rest for a while. Hatid na kita sa room niyo?" tanong niya kaya tumango ako.
Inalalayan niya naman akong maglakad. Good thing at nakakapaglakad na ako kahit papaano. Basta may nakaalalay nga lang. Haha.
Nakasalubong naman namin yung nurse pag labas namin ng clinic. Pinaalam lang ako ni Arth sa kaniya kung pwede na ba akong magpahinga na sa room ko. Pumayag naman si nurse.
"Here you are." sabi ni Arth pagdating namin sa harap ng kwarto namin nila Aina.
"Thanks."
"Halika, alalayaan kita papasok sa loob." pumayag naman ako kasi baka matumba ako kung ako lang mag-isa ang papasok.
Iginiya niya ko papasok sa kwarto. Walang tao. Baka nasa labas sila Erin, Aina at Kyla.
BINABASA MO ANG
My Devil Fiancee [ChorongxJungkook Fanfic]
FanficDate Started: March 14, 2016 Cast Park Chorong as Makie Mishael Torres Jeon Jungkook as Timothy Caleb Jung Mark Tuan as Arth Mendez Son Naeun as Kyla Javier