Chapter 12: Sorry

143 12 0
                                    

Makie's POV

"Makie, bilisan mo nga at malelate na tayo!!" sigaw ni Timothy sa labas ng pinto ko.

Dali-dali ko namang hinablot yung bag ko at lumabas na ng kwarto ko.

"Eto na!"

"Bakit ba ang bagal mo kumilos?! Malelate na tayo!" sigaw niya.

"Eh bakit kailangan mong sumigaw?! Kaharap mo lang ako oh!" sigaw ko din sa kaniya.

"Tss. Tara na nga." sabi niya at nauna ng lumabas ng bahay.

Tignan mo ito. *sigh* Kainis! Devil talaga!!

Sumunod na din ako sa labas ng bahay. Friday na nga pala ngayon. Bilis noh? Syempre, walang maisip ang ating author kaya patalon-talon ang araw. Hahaha.

"Geez. Traffic pa!" he hissed.

Sumilip ako sa bintana nung kotse. Traffic nga.

"Kasalanan mo ito eh!" sabi niya sakin.

"Tsk. Ako naman lagi eh!" tapos inirapan ko siya.

Alam niyo, back to normal siya. Sungit na naman. Devil mode as always. Napapansin ko ngang ganiyan na siya nitong mga nakaraang araw. Psh.

Biglang nagvibrate yung phone ko. Tinignan ko at nakumpirma kong si Arth ang nagtext. Napangiti tuloy ako.

From: Arth♡
Good morning Makie. Ingat sa pagpasok. :)

Oha!! Yie~ mag-ingat daw ako sa pagpasok. Ang sweet talaga ni Arth.

Nireplyan ko siya.

Me: Ikaw din :)

*BZZZT*

Bilis magreply!

Arth: Papunta ka na bang school?

Me: Yep. Kaso na-stuck kami sa traffic eh.

Arth: Really? Baka malate ka.

Me: Oo nga eh. :3

Arth: Pero.. kumain ka na ba ng breakfast mo?

Me: Yep. :D

Arth: Good. :)

"Aga mo namang lumandi." nilingon ko si Timothy.

What did he just say??

"Anong sinabi mo? Malandi ako?"

Nanlaki naman ang mga mata niya.

"S-sor-----"

Ha! Ako? Malandi? Wow.

"Malandi ako? Hoy, para sabihin ko sayo wala pang nagsabi sakin ng salitang yan kasi hindi ako ganun."

Sakto namang nakarating na sa school ang kotse.

"Makie, sor----" di ko na siya pinakinggan at agad-agad na lumabas ng kotse.

Pumasok agad ako sa loob ng school. Sakto at bell na. Pagkarating ko sa classroom wala pang teacher at kung anu-ano ginagawa ng classmates ko.

Malandi ako?

Sa buong buhay ko wala pang ibang nagsabi sakin ng salitang yun maliban kay Timothy. Anong problema niya? Bakit niya nasabing malandi ako? Katext ko lang naman si Arth, malandi na agad ako?

"Hi Bruh!" bati sakin nung dalawa. Lumipat naman ako ng upuan. Sa kanila ako tumabi.

"Makie, may problema ba?" -Erin

My Devil Fiancee [ChorongxJungkook Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon