Chapter 4: Living in One Roof

171 11 0
                                    

Makie's POV
Natapos yung party ng mga 7pm. Ngayon eh pauwi na yata kami.

Huminto yung kotse ni daddy sa.tapat ng isang bahay. Malaki siya. Dumating din yung kotse nila Tita Ciara. Bumaba naman kami ni mommy sa kotse.

"Mom, where are we? Kanino pong bahay ito?" tanong ko.

"Later. Let's come in first." -mommy

Pumasok naman kami. Ang ganda nga nung loob eh. Fully furnished. Kanino kaya itong bahay na ito?

"Mom, kanino ba ito?"

"Well.. Tim and Makie, this is your new home." -Tita Ciara

Ano daw?

"Huh?" tanong ni Timothy.

"Well.. dahil engaged na kayo we decided na pagsamahin na kayo sa iisang bahay. Para naman mas maging close kayo." -daddy

Huh?

"D-dito din po kayo titira dba?" tanong ko.

"No, baby. Kayo lang dalawa ni Timothy. Sa inyong dalawa itong bahay na ito." -mommy

"What?!?! Pero mommy, engaged palang po kami hindi pa kasal!"

What the hell!! Di pa nga kami kasal tapos titira na kami sa iisang bahay? The nerve!

"We did this para masanay kayo to live on your own. At para na rin magkakilala pa kayo." -Tita Ciara

My gosh! Ano ba naman itong pinasok ko?! Aish.

Tahimik na lang akong naupo kasi wala na din naman akong magagawa eh. Psh.

May Kung anu-ano pa silang pinaalala bago sila nagsi-uwi. Yung mga gamit ko nandito na din pala. Psh.

Nung nakaalis na sila mommy eh tumayo na ko sa couch. Matutulog na ako.

"Hephep! Wag ka munang umalis." pigil niya sakin. Inis ko siyang hinarap.

"Bakit ba?!"

"Maupo ka muna. May mga bagay lang tayong pag-uusapan." Tsk. Ang dami niyang alam!

"At ano naman yun?!" padabog akong naupo sa couch.

"Mga rules sa loob at labas ng bahay."

Hmm.. mukhang okay ang naisip niya. Why not?

"Sige." simpleng sagot ko.

"Okay. Let's start." sabi niya at kinuha yung laptop niya at binuksan yun.

"Oh, aanhin mo yan?!" tanong ko.

"Duh! Ita-type ko dito yung mga rules." tapos inirapan niya ko. Tss. Bading!

"Sige na, sige na! Game!" sabi ko.

"Hmm.. first rule.." nag-act naman siya na parang nag-iisip. "..dapat hati tayo sa gawaing bahay since wala pa tayong kasambahay."

"Okay. Ako ang magluluto. Ako ang maghuhuhas ng kinainan. Ikaw naman ang maglalaba at maglilinis ng bahay." sabi ko.

"No! Unfair! Dapat alternate tayo sa paglilinis." reklamo niya.

"Okay." sagot ko.

"And dapat ikaw ang maglaba! Di ako marunong nun eh!" Reklamo ulit niya.

"Di rin ako marunong noh!" Di kaya ako naglalaba.

"Ganun? Sige.. ganito na lang, magpa-laba nalang tayo sa laundry shop." Umagree naman ako tapos tinype na niya yun bilang first rule.

"Second rule.." nag-isip naman ako. "Hmm.. dapat kapag nasa bahay we should have a privacy. Walang pakialamanan."

"Sure." then tinype niya yun.

"Third rule.." tumingin naman siya sakin bago magsalita. "..dapat sa school strangers tayo."

"Sige. Maganda yan!" Pagsang-ayon ko at tinype naman niya. Aba, ayokong kumalat sa school na fiancee ko siya noh! Nga pala, dun na din siya papasok sa school ko sabi ni Tita Ciara.

"Hmm.. fourth rule.. dapat pwede tayong magkaroon ng relationship sa iba." Sabi ko. Aba, gusto kong magka-bf noh! Magpapaligaw pa ko sa bias kong si Jungkook no! Mehehe. XD

"Sure. Sure." tapos tinype na niya. "Ako naman. Fifth rule.." tumingin siya sakin. "Dapat kapag kaharap natin ang mga parents natin eh we should act sweetly." nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"At baket?!" singhal ko.

"Aray naman! Bunganga mo nga! Sigaw ng sigaw eh!" naiirita niyang saad.

"Eh ikaw kasi eh! Bakit kelangan maging sweet?!"

"Err.. kasi papagalitan ako ni mom kapag di ako naging nice sayo. Dapat ipakita nating close tayo para di siya magalit. At para na rin ibili na ko ni dad ng kotse." Ah.. yun naman pala! Kotse. "Pumayag ka na!"

"Osiya, sige!" tapos ayun tinype na niya.

"Sixth rule.. Hmm.. ano ba?" nag-isip naman ako. "Dapat.. walang makaalam na mag-fiancee tayo ha? Kahit saan. Sa harap lang ng parents natin tayo mag-fiancee, okay?" sabi ko at napahikab na. Inaantok na ko.

"Okay." Then tinype na niya. Antok na ko! "Seventh rule.."

"Last na yan ah! Inaantok na ko." sabi ko at napahikab ulit.

"Okay. Last rule is.." tumingin siya sakin.

"Ano?" tumingin siya diretso sa mga mata ko bago nagsalita.

"..we should not.. fall inlove with each other." sinabi niya yun habang sobrang lapit ng mukha niya sakin. Tinulak ko naman siya.

"Lumayo ka nga sakin! Asa ka namang maiinlove ako sayo noh!"

"Baket, hindi ba? Sa gwapo kong ito? Lahat kaya nahuhumaling sakin." sus, ang hangin!

"Di ka gwapo noh! Ang panget mo kaya!" sigaw ko. Nanlaki naman ang mga mata niya.

"How dare you to say na pangit ako ha?! Bawiin mo yung sinabi mo!" tumayo naman na ako.

"Ayoko nga!!" Binelatan ko siya saka ako tumakbo papunta sa kwarto ko. Hiwalay kami ng kwarto noh.

Haaays.. makatulog na nga.

Zzzzzzzzzzzz......

My Devil Fiancee [ChorongxJungkook Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon