Chapter 1: Kummamon

376 14 0
                                    

Author's note: Hello readers!! Makie on the multimedia. :)
----------------

Makie's POV
"Mommy, alis na po ako!" sigaw ko.

"Makie, be back before 6 okay?"

"Yes po!"

Lumabas na ko ng house namin at humanap na ng taxi. Sabado kasi ngayon at day-off ng driver namin kaya wala akong masasakyan. Papunta nga pala akong mall ngayon. Nag-aya kasi yung mga bestfriends ko eh.

Pagbaba ko ng taxi, tinext ko agad sila. Mahirap na, baka indianin ako nung dalawang yun eh.

"Bruh!" oh, ayun na pala sila. Lumapit ako sakanila.

"Ssup?"

"Anong 'ssup' ka diyan?! Tagal no kaya! Kanina pa kaya kami dito!" - Erin

"Oo nga! Almost 30 minutes na rin." - Aina

"Sorna! Tin-----"

"Tinanghali ka na naman ng gising?!" sabay nilang tanong. Tumango naman ako.

"Sus, di na bago yan bruh! Lagi ka namang tinatanghali ng gising eh." -Erin

Napapout na lang ako. Hinila naman nila ko para pumasok na sa loob ng mall.

Ay, papakilala pala muna ko! Hi, I'm Makie Mishael Torres. Makie na lang. 16 years old na ko at yun lang! Hehe. ^___^

Ito namang dalawang dyosang kasama ko eh ang aking bestfriends for life. Sila Aina Gonzales at Erin Zamora. Mga dyosa yan. Hehe. Same age lang kaming tatlo.

Nung napagod na kami sa paglilibot eh naisipan muna naming kumain sa..... Jollibee!! Ang dami ko ngang inorder eh. Oo na, matakaw na ko! Ganun talaga!

"Makie!" nilingon ko si Aina habang ngumunguya ako. Tapos na kasi silang kumain eh.

"Kumakain ka pa naman eh kaya dito ka muna ah?" -Aina

"Bakit?"

"Eh sale kasi yung shoes na gusto ko. Bibilhin ko lang. Sasama ko muna si Erin. Tara na, Erin!"

"Oy, teka muna---" wala na. Nakaalis na sila. Psh. Hayaan ko na nga. Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.

Tapos na akong kumain pero di pa rin bumabalik yung dalawa. Ano ba yan! Makapaglibot na nga muna. Baka makasalubong ko din naman sila.

Lumabas na ko ng Jollibee at naisipan kong pumunta sa NBS. Titingin lang ako ng magandang libro. Wala na kasi akong mabasa sa bahay eh. Nung wala naman akong nahanap eh lumabas na lang ako ng NBS.

Paglabas ko eh natanaw ko yung shop na katapat lang ng NBS. Stuff toy shop siya. Nagsparkle naman ang mga mata ko. Gusto ko ng stuff toy!!

Pumasok ako dun at lalong kuminang ang mga mata ko. Ang ku-cute ng stuff toys!! May nakita ako na sobrang cute na stuff toy. Nag-iisa na lang siya. Yung si Kummamon. Kilala niyo ba siya? Ah, basta! Yun yung nakita ko. I want Kummamon!!

Kukunin ko na sana si Kummamon nang biglang may kumuha nito. It's a guy. Tinignan ko yung guy. Ang tangkad naman niya! Parang living-tower. And well.. cute siya. Pero hindi!! Akin si Kummamon!!

Kinalabit ko yung guy. Tumingin naman siya sakin.

"Yeah?"
"Ahm.. ako kasi yung.. nauna diyan eh." tapos tinuro ko si Kummamon.

"Dito?" tapos pinakita niya sakin si Kummamon. Tumango-tango naman ako na parang bata.

"Uh-hmm." sagot ko habang tumatango-tango.

"Eh ano naman? Nakuha ko na oh. Humanap ka na lang ng iba."

"Pero yan ang gusto ko!"

"Akin na nga ito dba?" What the!! Ang sama ng ugali niya!

"Hoy, kuya! Hindi mo ba alam yung salitang GENTLEMAN?!" meron ng mga nakatingin samin pero wala akong pake. Akin si Kummamon!

"Gentleman?! Ano ba yun? Di ko yata alam yun eh." Grr. Iniinis niya talaga ako eh!

"Ahm.. excuse me po, may problema po ba?" nilapitan na kami nung saleslady.

"Eto po kasi eh! Ako po yung nauna kay Kummamon!"

"Miss, paki-bigyan na nga lang yan ng ibang stock. Mukhang iiyak na eh."

"Hindi ako iiyak!"

"Ahm.. pasensiya na po pero last stock na po yan eh. Iba na lang po piliin niyo."

Arrgh!! KAINIS!!!!

"Ayoko!" sa sobrang inis ko eh lumabas na ko nung shop. Bwisit na lalaki yun! Kaasar!!

Habang naglalakad ako eh nakasalubong ko yung dalawa.

"Oh, bruh! What's with the face?" -Aina

Di ko na napigilan...

"Waaaaah!!! Si Kummamon!!" nataranta naman yung dalawa.

"Hala, bakit ba, bruh?!" kinuwento ko sakanila yung nangyari.

"Huhuhu! Gusto ko si Kummamon!! Kummamooooon!!"

"Tahan na, bruh! Halika, bibili ka na lang namin ng ice cream." -Erin

Nag-light up naman yung mukha ko. I want ice cream!! *Q*

Bumili kami ng ice cream And after that nagpaalam na ko sa kanila kasi tinext ako ni mommy. Pinapauwe na ko kasi dumating na daw yung bisita namin.

My Devil Fiancee [ChorongxJungkook Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon