Chapter 27: Late Celebration

69 3 1
                                    

(A/N: Makie at the multimedia. Ang cute cute niya~)

-----------------
Makie's POV

Maaga akong nagising. Saturday nga pala ngayon so.. syempre walang pasok.


Si Timothy kaya naka-uwi na?




Psh. Bakit ko ba siya inaalala? Nag-enjoy naman ata siya sa hinanda ni Kyla para sa kaniya eh.




Yung hinanda ko para sa kaniya mukhang nasayang lang. Sana pala hindi na lang ako nag-effort gumawa ng surprise para sa kaniya.




Naghintay lang ako sa wala kagabi.




Pagkatapos kong mag-ayos ng kaunti ay naisipan kong lumabas na ng kwarto ko.






Dumiretso ako sa kitchen at medyo nagulat ako kasi nandoon si Timothy.




"Makie, good morning." bati niya sa akin ng nakangiti. Tinanguan ko lang siya.



"Let's go. Sabay na tayong magbreakfast. Ininit ko yung mga foods kagabi." hindi pa din ako nagsalita at naupo na lang.




Kumakain kami ngayon ng tahimik. As in yung tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig mo. The atmosphere is so awkward.





"M-makie.."





"Hmm?" sabi ko ng hindi nakatingin sa kaniya. Busy ako sa pagkain.




"Ahm.. I know na para sa akin yung surprise na ginawa mo kahapon and alam kong pinaghirapan mo yun. Thank you." medyo nagulat ako sa sinabi niya. Na-appreciate ba niya?






"W-wala yun. Hindi lang naman ako ang gumawa nun. Sila Aina at Erin din."




"But I know that it was your idea."




Katatapos ko lang kumain kaya tumayo na ako.




"You're welcome." simpleng sagot ko at aalis na sana sa kitchen pero hinawakan niya bigla yung wrist ko.



"Are you mad at me?" deretsahang tanong niya.





H-hindi naman kasi ako galit sa kaniya eh. Alam kong wala naman akong karapatang magalit pero kasi na-dissappoint talaga ako kagabi. Naghintay ako na dumating siya kaso.. nasayang lang yung effort ko eh.




"H-hindi." sagot ko.






Nagulat ako nang bigla na lang siyang tumayo at niyakap ako. Nanlalaki pa nga ang mata ko sa gulat.





"I'm so sorry. I'm sorry kasi alam kong nadissapoint kita. Sorry kasi I know na hinintay mo ko para lang sa surprise mo. Yun pala ang dahilan kaya you keep on texting me na umuwi agad. I'm really sorry Makie." sabi niya habang yakap yakap pa din ako. Hindi ko alam ang irereact ko at nanatili pa rin akong gulat.




"But I just want you to know na I was really surprised last night. Hindi ko kasi expected na gagawin mo yun para sa akin. Lagi kasi tayong nag-aaway minsan. Gusto kong malaman mo na napangiti mo ko dahil sa birthday surprise mo and I want you to know that I really appreciated it." sabi niya saka bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Yung puso ko nagwawala na.





"N-na-appreciate mo?" yan lang ang nasabi ko. Ngumiti siya sa akin at tumango.







"Kaya please stop your cold treatment? Alam ko na, para makabawi.. let's enjoy my birthday kahit tapos na." nakangiti na namang sabi niya.






"Huh? Paano?"






"Mag-ayos ka na. Aalis tayo." utos niya kaya naman pumunta na ako sa kwarto ko kahit na wala naman akong idea kung saan kami pupunta.








Naligo ako at nagbihis agad. Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto ko. Naabutan ko naman si Timothy na nasa living room at nakabihis na din.










"Let's go?" tanong niya saka tumayo sa sofa. Tumango naman ako.







"Teka, saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko habang pasakay sa kotse niya.








"Saan mo ba gusto? Basta kung saan mo gusto. I just want to enjoy my birthday with you eventhough tapos na." sabi niya habang nakatingin sa akin.








"Hmm.. alam ko na! Sa isang amusement park!! Haha." sabi ko at ngumiti pa ng abot tenga.








"Seriously? Ano ka, bata?"










"Eh sabi mo kahit saan ko gusto! Gusto ko dun eh." naiinis na sabi ko.








"Okay okay." sabi niya at nagsimula ng magdrive.









"Tim! Ihinto mo muna sa may church ha?" nilingon naman niya ako.









"Why?"









"Nagtatanong ka pa. Eh ano bang ginagawa sa simbahan? Tss."

My Devil Fiancee [ChorongxJungkook Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon