Chapter 17: View

139 7 2
                                    

Makie's POV

Kinabukasan, maaga akong nagising at sinubukan kong ilakad ang paa ko. Medyo ika-ika pa ko pero konti na lang yung kirot at nakakalakad naman na ako.

Naisipan kong lumabas muna ng kwarto namin para maglakad-lakad pa. Tulog pa naman yung mga roomate ko eh.

Naglakad-lakad ako at dahil sumakit yung paa ko ay muntik na akong matumba. Buti na lang may umalalay sakin.

"Hey, are you alright?" tiningala ko yung nakaalalay sakin. Si Arth pala.

"Ahh. Haha. Okay lang ako. Sinusubukan ko kasing ilakad-lakad yung paa ko eh. Kaso.. sumakit na naman." sabi ko. Inalalayan niya akong maupo muna sa isang bench sa may lobby ng hotel.

"Dapat wag ka munang maglakad-lakad. Baka lalo lang kasing mamaga yung injured foot mo."

Napanguso naman ako.

"Eh gusto ko na kasi maglakad-lakad. Puro na lang ako pahinga. Buong araw na naman ako sa kwarto. Haaays." naiinis na sabi ko. Natawa naman si Arth saka pinisil ang pisngi ko ng bahagya.

"Alam mo Makie, you're really cute. Hahaha. Lahat ng galaw mo ang cute mo tignan."

Ay. Hahaha. Yie~ kinomplement niya ako. Hahaha. Cute naman talaga ako dba? Haha.

"Alam ko na yun matagal na Arth! Cute talaga ako since birth." sabi ko at tumawa naman kaming dalawa.

"Hey!" nilingon namin parehas yung nagsalita. Si Timothy pala.

Bakit feeling ko ang gwapo gwapo niya ngayon? Luh! Manahimik ka nga Makie. Tss.

"Yes dude?" tanong ni Arth pero ni hindi man lang siya pinansin ni Timothy at lumapit sa akin.

"Aalis na tayo. Fix yourself." sabi niya.

Bigla naman akong naexcite. Gagala na kami. Kyaaaaaah.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Arth.

"Its none of your business." sagot ni Timothy. Aba't! Bakit ganun siya sumagot sa Captain niya? Sinamaan ko nga ng tingin.

Tumingin naman ako kay Arth.

"Ahm.. gagala kasi kami sa buong Tagaytay. Alam mo na, sila yung nanalo sa game kahapon dba? Isasama niya ako." nakangiting sabi ko kay Arth.

"Huh? Bakit isasama ka pa niya? Makie, your injured. Baka lumala yan lalo pa't maglalakad kayo." -Arth

"Tss. Then we'll ride a jeepney! Tss." iritadong sabi ni Timothy.

Lumingon ulit si Arth kay Timothy.

"Pero Timothy, my point is injured si Makie. Baka mapaano pa siya. It would be safe for her na dito na lang muna sa hotel." -Arth

"Tss. Can you please mind your own business? Paa lang naman niya ang injured hindi ang buong katawan niya." naiinis na talagang sabi niya.

Sasagot pa sana si Arth kaya lang pinatigil ko na sila. Baka kasi lumala ang away nitong dalawa.

"Arth, don't worry I'm okay. Tsaka.. gusto kong malibot man lang itong Tagaytay bago tayo bumalik sa Manila." sabi ko.

"But----okay. Gusto mo ba magpaalam ako kay coach para masamahan kita? Para mabantayan kita." -Arth

"Hey, then what d'you think of me? Hindi ko siya mababantayan? Tss. I invited her to come with me so I am the one who is responsible for her too. Tss. Why are you acting like you're her boyfriend?!" -Timothy

Hala! Ano ba naman itong dalawang ito?! Parang nagkakainitan na.

"I'm just concern about her. Eh ikaw.. why are you acting like you two have a deep relationship?" medyo naiinis na rin na tanong ni Arth.

My Devil Fiancee [ChorongxJungkook Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon