Makie's POV
Kyaaaaaaaaah!!
Ahahaha. Nababaliw na ata ako. Aish!!
Kanina pa ko nandito sa kwarto ko at nakatingala lang sa kisame habang nakahiga sa kama ko.
Naka-uwi na nga pala kami galing Tagaytay. Actually, kahapon pa kami naka-uwi. Wala kaming pasok ngayon para daw makapagpahinga kami.
9 am na nga at nandito pa din ako sa loob ng kwarto ko eh. Nakahilata.
Nakahiga lang ako habang nakatitig sa kisame. Ahaha. Actually, inaalala ko ang nangyari sa paggala namin ni Timothy sa buong Tagaytay eh.
Kinikilig ako!!!!!!
*Flashback*
Pagkatapos namin maglibot sakay ng kabayo eh umalis kami agad doon.Sunod na pinuntahan namin ay ang mini theme park sa Tagaytay.
(A/n: kunwari nalang po may theme park sa Tagaytay. Haha. Wala talaga akong alam eh. Lol.)
"Waaaaaaah!!!! Tara na maglibot na tayo dali!!!!" pag-aaya ko sa kaniya.
Inaya ko siyang sumakay sa mga rides. Madami kaming sinakyan at sobrang cool ng mga rides. Hahaha.
"Saan naman next na sasakyan natin?" excited na tanong ko. Bumusangot naman ang mukha niya.
"Can we just take a little break? Nakakapagod maglibot." sabi niya at naupo na muna sa malapit na bench. Tinabihan ko naman siya dun.
"Sige na nga pahinga muna tayo." bigla naman akong nakaramdam ng gutom ng makakita ako ng mga food stalls.
"Timothy! Kain muna tayo!!" tapos ay niyugyog ko siya. Inalis naman agad niya ang kamay ko. Tss. Maldito!
"No need to shake me. Tss. Let's go." nauna siyang maglakad kaya naman sinundan ko agad siya.
Bigla ko naman naramdaman na sumakit yung injured foot ko kaya napa-upo ako sa may daan. Kumikirot eh. Kanina pa kasi kami naglalakad.
"Aray.. aish!" hinimas-himas ko yung masakit na part. Huhu. Bakit ngayon pa?
"Hey, are you alright?" patakbong lumapit sakin si Timothy at lumevel sakin ng upo.
"Kumikirot yung injury ko. Aray!" nagulat naman ako ng bigla na lang akong umangat. Binuhat na pala niya ako.
0.0
"Hala! Timothy, ibaba mo ko!!" tumingin ako sa paligid ng theme park. Maraming nakatingin samin. Nakakahiya.
"Uy! Ibaba mo na ko. Nakakahiya!" sabi ko sa kaniya pero siya naglalakad lang.
"Don't mind them. Isipin mo ang injury mo." supladong sabi niya at patuloy pa rin sa paglakad hanggang sa nakarating na kami sa may food stalls.
Inupo niya ako sa upuan sa isang table sa food stall. Marami ding tao dito at kumakain sila. Marami ding stalls na pwede mong bilhan ng pagkain.
Bigla namang kuminang ang mga mata ko.
*Q* ANG DAMING FOODS!!!!!!!
"Tumutulo na laway mo." nabalik naman ako sa sarili ko nang magsalita si Timothy. Napahawak tuloy ako bigla sa gilid ng labi ko.
BINABASA MO ANG
My Devil Fiancee [ChorongxJungkook Fanfic]
FanficDate Started: March 14, 2016 Cast Park Chorong as Makie Mishael Torres Jeon Jungkook as Timothy Caleb Jung Mark Tuan as Arth Mendez Son Naeun as Kyla Javier