Chapter 26: Timothy's Birthday

79 4 0
                                    

A/N: Timothy at the multimedia. So cute right? :)






----------------
Makie's POV

Friday na at ngayong araw ang birthday ni Timothy.

Nagising ako ng mga 9am saka naisipang lumabas ng kwarto ko para batiin si Tim.

Sakto pagkalabas ko ng kwarto ko ay kalalabas lang din niya ng kwarto niya at bihis na bihis siya.


May lakad siya?

"Oh.. saan ka pupunta?"

"Gagala ako kasama sila Wayne. Dito ka muna ah? Aalis muna ako."

"Ahm.. sige. By the way, happy birthday Tim!!" masigla kong bati sa kaniya. Ngumiti naman siya saka ginulo ang buhok ko.

Ang gwapo niya.

"Thanks." sabi niya ng nakangiti.

"Ahm.. anong oras ka pala uuwi?" tanong ko sa kaniya.

"I'm not sure. Baka gabihin. Why?"

"Ahh.. wala naman. Haha."

"Alright. Sige na, alis na ko." sabi niya.

"Ah sige. Umuwi ka agad ah!" pahabol ko. Tumango naman siya.

Pagkaalis niya eh bumalik ako sa kwarto ko para tawagan sila Erin at Aina.



Wala nga pala kaming pasok ngayong araw. Ewan ko kung bakit? Hindi kasi ako nakinig kahapon sa announcement nung teacher eh.

Mga bandang 10am ng dumating sila Erin at Aina.

"Yo bruh!" -Aina

"Bakit mo ba kami pinapunta dito, Makie?" -Erin

"Oo nga. Saka nasaan si birthday boy?" -Aina

"Umalis. May lakad siya kasama sila Wayne eh."

"Ahh. So ano nga? Bakit mo kami pinapunta dito?" -Aina


"Erin.. Aina.. tulungan niyo naman akong maghanda para sa birthday niya oh?" sabi ko.

Kagabi kasi, tinawagan ako ni Tita Ciara at kinumusta kami saka tinanong niya ako kung may plano kami ni Timothy para sa birthday nito. Ang sabi ko wala. Kaya naman nagtanong ako sa kaniya kung ano bang regalo ang maaring magustuhan ng anak niya.

Ang sabi naman niya, maghanda lang daw ako eh ma-appreciate na ni Tim. Ang dapat ko daw ihanda ay yung mga paboritong pagkain ni Timothy.

Kaya ayun nga ang gagawin ko. Maghahanda ako ng mga paborito niya.

"Ayieee~ ume-effort si Future Wifey! May handa pang nalalaman. Hahaha." -Aina

Feeling ko ay namula ako sa sinabi ni Aina. Lalo na yung word na "Future Wifey". Hahaha.

"Ano na? Tulungan niyo ako please? Alam kong magagaling din kayong magluto eh."

"Sure!" sabay nilang sabi.

So ayun, nilista na namin ang mga dapat na bilhin saka kami nagtungo sa mall para mamili.

At dahil naisip ni Aina na mas pabonggahin daw eh naisipan din niyang bumili ng mga party hats, balloons, at mga conffetti.

Ang daming ek-ek ni Aina.





"Okay na siguro lahat ito, noh?" tanong ko.




"Yep. Kumpleto na lahat." sagot naman ni Erin.






Nagbayad na kami sa counter tapos ay lumabas na nung grocery shop.






My Devil Fiancee [ChorongxJungkook Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon