Chapter 2 (Welcome back home)

1K 74 43
                                    

MARIONNE/ANGELINE'S POV

~~

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Sa buong oras na nasa himpapawid kami sakay ng eroplano ay gising na gising ang diwa ko. Kahit ipikit ko ang aking mga mata ay di ako makatulog.

Tatlong buwan din na namalagi kami sa Switzerland mula ng magising ako .Noong araw na 'yon na nagising ako at nagkamalay ay lumipad agad kami pagkaraan ng tatlong araw papuntang Switzerland.

At ngayon , after 3 months ay fully recovered na ako at pinahintulutan na ako ng doctor na  bumiyahe at umuwi ng Pilipinas.

"Let's go? "Dinig kong aya ni dad sa amin ni mommy ng huminto na eroplano mula sa pagkakapag nito at pinahintulutan na ang mga pasahero na bumaba.

Tumayo na kami ni mommy sa aming kinauupuan at sumunod kay daddy pababa ng eroplano.

Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako na tawagin siyang mommy. Di ibig sabihin na di ko gusto. Of course gusto ko. Di pa kase ako nasanay, matagal na panahon ding ang hinintay ko na matawag siyang mommy na di niya ikakagalit.

At ngayon natupad na ang pinakamimithi ko. Buo na ang pamilya ko at masaya na kami. Pero bakit pakiramdam ko ay may kulang pa. Kulang na di ko alam kung ano. Masaya ako, oo...pero may puwang .

"Anak? "Ramdam ko ang mahinang tapik sa balikat ko. Si mommy.

"Yes mom? "

" Are you alright? " nanunuring tanong ni mommy sa akin. Huminto pa man din ito sa paglakad at tinitigan akong mabuti.

"Yeah I'm alright mom. "

" Are you sure? "Tila di kumbinsidong tanong ni mommy uli.

" Yes mommy. ..why po?"

" Kanina ka pa walang imik. Kinakausap kita pero parang malalim ang iniisip mo...sa sobrang lalim ay di mo na naririnig ang nasa paligid mo. " Hinawakan ni mommy ang pisngi ko, "something bothering you? "

" No mommy. Wala po. Excited lang po ako sa pagbabalik natin dito sa atin. Nakakamiss po. " pagsisinungaling na sabi ko. Ganun na ba kalalim ang iniisip para di ko marinig na kinakausap ako ni mommy.

"Ah,..ganun ba. "

Tango at ngiti ang sagot ko.At nag patuloy na kami sa paglakad.

" MARIIIIIIIING!"napangiti ako ng marinig ko mula sa malayo ang boses na yun.Malayo pa lang kilatis ko na boses niya.

Mabilis ang mga hakbang na lumapit ako sa kinatatayuan ng nag-nagmamay-ari ng boses na iyon.

Di na nito hinintay ang paglapit ko, nakipagsiksikan ito sa mga taong naroon sa may arrival area , para mabigyang daan ang paglapit niya sa akin.

" Valeng! " Yinakap namin ang isa't - isa. Sobrang namiss ko ang bestfriend ko. " Akala ko di mo kami masusundo kase nasa Cebu ka. "Sabi ko ng bumitiw kami sa pagkakayakap.

" Di kita matiis 'no!...Namiss kaya kita ng very hard .Pa hug nga ulit. "tuwang tuwa na niyakap ulit namin ang isa't - isa.

LOVE will Lead YOU back (My Maid from Heaven Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon