MARIONNE'S POVNAGMAMARTSANG tinungo ko ang lobby ng hotel kung saan naroon si Jacob naghihintay at prenteng nakaupo sa isa sa mga couch doon. Wala man lang pasabi ang lalakeng ito na ngayong araw na ito ang kanyang dating .Buti na lang at wala ako sa Cebu.Ilang araw pa lang nung nagsabi ito na magbabakasyon siya sa Pinas tapos ngayon eto at nagpapasundo na!
Malapad ang ngiting gumuhit sa labi ni Jacob ng mamataan nito ang paglapit ko. Tumayo ito sa prenteng pagkakaupo at sinalubong ako.
" BABE! " aniya at niyakap ako agad pagkalapit namin sa isa't - isa.
" Tigil tigilan mo nga ako sa kaka-Babe mo! "Bulong ko sa may punong tenga nito," baka may makarinig sa atin at mailagay pa mukha natin sa local newspaper. "
Kumuwala siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako.
" Ayaw mo mailagay sa local news o ayaw mo na isipin niya na may boyfriend ka?...Hmm?"nanunukso at nanunuri ang mga mata nito na nakatingin sa akin.
" Niya? Si-sinong niya?"
" Aba ewan ko sa'yo. Sino nga ba?"sabay kindat.
" Hoy! Wala akong pakialam kung anuman ang marinig niya no! Pake ko ba sa taong yun!!Tsaka ano naman kung isipin niya na boyfriend kita."nakangusong sabi ko at nagpatiunang umupo sa dating kinauupuan ni Jacob.
" Hahahaha...Babe!...Babe! ..."natatawang sabi ni Jacob at lumapit sa akin " defensive ka masyado babe, halata tuloy. What I mean is,your father...takot ka na malaman na may boyfriend ka."yumuko siya at pinagpantay mukha namin."But it sounds like your referring to someone."aniya pa na may nakakalokong ngiti at pinisil ang tungki ng ilong ko.
Ba't ba kase siya ang pumasok sa kukute ko! Haist! Eh malabong siya nga naman ang tinutukoy ni Jacob eh di naman sila magkakilala! Shunga ka talaga Marionne!
" Hey! "He snapped his fingers infront of my face, " Daydreaming, huh!"
" Di ah!"irap ko.
" So tell me,who's that someone? "nakangising tanong nito at Umayos ng tayo at umupo sa katabing couch.
" Sinong someone ang pinagsasabi mo?"
" You know what I mean...babe."
" Wala nga!...kulit mo."padabog na tumayo ako " tara na nga!"
" Okay. Hey, 'to naman masyadong high blood. "
Di na ako nagsalita. Naiinis ako. Kanino? Sa sarili ko. Akala ko nawaglit na sa isip ko si Nico pero ito at bigla na lang siyang pumasok sa isip ko. Dagdagan pa ang pangungulit nitong si Jacob. Pumapangalawa ata ito kay Valeng sa kakulitan.
He noticed my irritation kaya naman tikom ang bibig na sumunod ito sa akin.But I know his still laughing inside and thinking kung paano ako kukulitin sa tanong niyang iyon.
"Where's your luggage? "Huminto ako sa paglakad at hinarap siya.
" Here. "sabay taas sa maliit na maletang kulay gray.
BINABASA MO ANG
LOVE will Lead YOU back (My Maid from Heaven Book 2)
FanfictionAno ang mangyayari sa muli nilang pagkikita? Maalala kaya ni Marionne/Angeline si Nico? Hanggang kailan maghihintay si Nico? Subaybayan natin ang kakaibang kwentong pag-ibig nina Nico at Angeline. Para sa mga new readers read first MY MAID FROM H...