Chapter 3

981 66 15
                                    

MARIONNE's POV

" ANO!"gulat ko sa sinabing iyon ni Valeng kaya naman medyo napalakas ang boses ko. " Hoy Valeng kilabutan  ka nga sa sinabi mo. Imposibleng ako 'yon tsaka ano kala mo sakin namatay nung mga panahon na 'yon tapos nagmumulto ako kaya nakita mo ko doon sa mall? " Di ko maiwasang kilabutan sa sinabing iyon ni Valeng. Anong pumasok sa utak ng kaibigan ko at ganito mag-isip?

" Eh kase naman bhessy ha,pati ba naman yung nunal ninyo sa itaas ng kaliwang braso magka pareho?"giit ulit ni Valeng at pa tingin tingin pa sa gawi ko.

"Hoy! hoy! ...Valeng mag focus ka diyan sa pagmamaneho mo. Kagagaling  ko lang ,aba mukhang may plano kang ibalik ako sa ospital! "medyo iritadong sabi ko. Kase naman mas pinagtutuunan pa ng pansin ang tinutukoy nitong babae na kamukha ko kesa sa pagmamaneho. Pinoproblema ang di naman dapat problemahin." Juskolord naman Valeng! ...sa dinami dami ng tao dito sa mundo , di malabong may magkakamukha at magkakaparehong may nunal sa itaas na braso. Malay mo coincidence lang 'yon na pareho at magkamukha kami. "Umayos ako ng upo at itinuon ang tingin sa labas ng bintana.

Walang sagot na mula kay Valeng .Pero ramdam ko ang panaka nakay pagsulyap nito sa akin.

" Tsaka baka namamalikmata  ka lang no'n sa sobrang pagka miss sa akin, kaya tingin mo doon sa babae ay ako. "Pagpapatuloy ko, " at imposible talaga na ako yon kase bakit di kita nakilala, aber? "

Dinig ko ang malalim na pagbuntung-hininga ni Valeng, bago nagsalita.
"Siguro nga bhessy, ganun. Namiss lang kita ng very hard. "Kinawit nito ang isang braso sa may leeg ko at Hinila at niyakap gamit ang isang braso.

"Asus!...if I know , , pasalubong lang habol mo kaya ka nagkakaganyan."irap ko sa kanya.

" Uy di ah! ..grabe ka sa'kin Maring! "Malakas na sabi ni Valeng at pinagkukurot ng pinung-pino sa tagiliran ko.

"O'!...siya! ...siya!Hindi na kung hindi. Pwede bitawan mo na ako at mag pokus ka diyan sa manibela !"ngingiti - ngiting saad ko. "pero 'wag kang mag-alala marami akong pasalubong sa'yo. "

" Ahhh...ang sweet mo talaga bhessy.Tsaka hoy! ...dami mong ikukuwento sa'kin kaya sa inyo ako matutulog ngayon. "Sabay kindat sakin.

"No problem! kahit sa amin ka na tumira. "

~~

Masayang mukha ng mga kasambahay ang sumalubong sa amin paglabas namin ng kotse. Tatlong kasambahay meron sa bahay at isa na doon si Nana Trining--ang yaya ko noong bata pa ako at tumayong pangalawang ina ko. Kung ituring ako nito ay parang sariling anak dahil na rin siguro sa isa itong matandang dalaga, walang asawa't anak.

"Marionne, "tanging nasambit ni Nana Trining pagkakita sa akin at mangiyak ngiyak na niyakap ako.

" Nana, kumusta po kayo? " Pangangamusta ko habang yakap pa rin ako ni Nana ng mahigpit.

Binitiwan niya ako humarap sa akin.
" Ikaw ang dapat kong kamustahin,"ikinulong ni Nana ang mukha kosa kanyang mga palad, "kumusta ka anak? Magaling ka na bang talaga?"pinaikot ikot akoni Nana na parang may sinusuri sa katawan ko .

" Na miss ko din po kayo ng sobra,Nana. "nakangiting saad ko, " at magaling na magaling na po ako. I'm back na po. "This time ako naman ang yumakap kay Nana.

LOVE will Lead YOU back (My Maid from Heaven Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon