NICO'S POV
DALAWANG beses ko na siyang muling nakita pero ni isa doon ay wala akong nakita na suot niya ang bigay kong singsing at yung gawa kong kwentas. Baka naman noong bumalik siya sa kanyang katawang lupa ay di na niya suot ang mga iyon o kaya naman ay suot nga niya ang mga yon noong bumalik siya sa katawan niya pero hinubad niya at itinago....o baka naman ay tinapon? No!...hindi ganoong tipo ng tao si Angeline. Hindi siya basta basta nagtatapon ng mga bagay.
Pero nasaan ang mga 'yon? Kung maari ko lang na itanong kay Angeline kung nasaan ang mga iyon, pero di pwede malamang ay magtataka na naman ito maraming mabubuong katanungan sa isip nito na di ko pa pwedeng sagutin...sa ngayon. Ayoko siyang madaliin at biglain.
Matamlay na nahiga ako sa malamig na buhangin, di ako makatulog sa kakaisip kay Angeline kaya naman naisipan kong lumabas at magpahangin dito sa tabing - dagat. Napatingin ako sa mga bituin sa langit at malungkot na napangiti dahil naalala ko si Angeline na mahilig mag star gazing lalo na kapag di dalawin ng antok.
I sighed. Pumikit ako at malayang nilaro sa aking imahinasyon ang mukha ni Angeline, kaming dalawa...magkasama at masayang naghahabulan sa tabing - dagat.
" Asan na ba kase 'yon?"dinig ko ang boses ng isang babae na hula ko ay nasa malapit lang dito sa kinahihigaan ko.
Iginala ko ang aking paningin at tama nga ang hula ko malapit lang dito sa kinaroroonan ko ang boses ng isang babae na ngayon ay nakaluhod sa buhanginan at may hawak na maliit na flashlight habang tila may anong bagay na hinahanap.
Tumayo ako at naglakad palapit sa babaeng nakatalikod.
" Want some help? "
" Ay! Machong shokoy!"Dahil sa gulat ay nabitawan nito ang dalang flashlight at napaupo sa buhangin.
"Oops! ...di ko sadyang gulatin ka."di ko maaninag ang mukha ng babae dahil di na masyadong abot ng mga ilaw ang parteng ito at dagdag pa na natatabunan ng mahaba nitong buhok ang mukha.
Tinulungan ko siyang tumayo at inabot ko sa kanya ang kanina'y hawak nitong flashlight.
"Angeline!?"bulalas ko ng makita ko ang mukha niya ng matamaan ng flashlight.
"Hay! Dios mio!...kayo lang po pala Mr.Mendoza, kakagulat naman kayo!"palatak niya habang pinapagpagan ang pang-upo na puro buhangin.
"I'm sorry I didn't mean to scare you. Ano ba kase ginagawa mo dito, gabing gabi na ah."
" May hinahanap ako. "lumuhod siya ulit sa buhangin at nagpatuloy sa paghahanap.
"Tulungan na kita. "Lumuhod din ako,"ano bang hinahanap mo?"
" Yung singsing at kwentas ko. Yung kwentas eh parang handmade siya na may bottle na maliit. "
Nahinto ako sa aking ginagawa matapos marinig ang sinabi ni Angeline. Maluha-luhang napatingin ako sa kanya. Ano ang ibig sabihin nito? May naalala siya tungkol do'n sa dalawang bagay na bigay ko sa kanya?Kase kita ko sa mukha niya ang labis na pagnanais na mahanap ang bagay ng 'yun.
" Hinanap ko na sa room ko, sa buong sulok pero wala . Kaya nagbaka sakali ako na nandito kase dito ako nagbilad sa araw kanina___Ah Mr.Mendoza okay lang ho ba kayo? " Ramdam ko ang mahinang pagtapik niya sa pisngi ko. Narinig ko ang mga sinabi niya pero di ko lang magawang alisin ang mga mata ko sa pagkakatitig sa kanya. " Mr.Mendoza!"
BINABASA MO ANG
LOVE will Lead YOU back (My Maid from Heaven Book 2)
FanfictionAno ang mangyayari sa muli nilang pagkikita? Maalala kaya ni Marionne/Angeline si Nico? Hanggang kailan maghihintay si Nico? Subaybayan natin ang kakaibang kwentong pag-ibig nina Nico at Angeline. Para sa mga new readers read first MY MAID FROM H...