Chapter 2: Clash

42 1 0
                                    

Betty:

"Te? Seryoso ka te?" Tanong nila Arnie at Stacy. Ang tapang ko daw kasi.

"Oo. Bakit? Akala nya kung sino sya? Tignan natin angas nya. Kaya nya ba ko?" May pagyayabang na sabi ko.

"Ako si Betty na Ms. JS at Ms. Crownville, magpapatalo sa kanya? Sino ba sya?" Sabi ko. Wala syang konek actually.

"Oh ano naman konek ng Ms. JS at Ms. Crownville anez mo?" Tanong ni Gaga.

"Wala. Trip ko lang. Maganda kasi ko" sagot ko na lang. Kailangang proud ako sa mga achievements ko mga bes.

"Oo bakla, kwento mo sa dalandan ni Kendra" pambabara naman ni gaga.

"Edi ikaw" sagot ko nalang. Tas kinuha ang make up kit ko saka nagpaganda ulet.

"Gaga ka talaga. Eto naman hindi mabiro" sabi naman ni bakla at hinihimas himas pa buhok ko.

"Stop it!" Iritableng sabi ko. Nagugulo hair ko, nuba?

"Ay ang arte naman ni mamang." Kunwari patampong sabi nya. Naka pout lips pa ampota.

"Tigilan mo nga yan. Mukha kang si ugly duckling" may pagtataray na sabi ko. Kontrabida nga kasi ko mga besh.

"Hoy Bettina. Tama na nga yang pa kontrabida effect mo. Saka ano ba, ano? Kakalabanin mo si Sir. Randy ganun? Ayos ka lang ba?" Biglang umentrada sa usapan si Stacy. Ay award.

"Oo. Napahiya nya ko kanina ee. Pwes, gaganti ko. Ha, tignan natin yabang nya" sabi ko sabay cross arms. Pak ganern ang datingan.

•••

Kinabukasan, prof din pala namin sa isa naming major subject ang butihing guro na yun. Pero seriously, with his looks? Mukha syang ahente ng condo sa may Ayala. Charot.

"Good morning." Medj masungit na bati nya. Itong prof na to parang araw araw may regla ampota. Lagi kasing serious ang mukha ee.

"Good morning Sir" bati ng mga kaklase ko. Napansin ko naman na ngumiti sya ng mga .1 seconds. Yung totoo? Parang milagro ata kapag napangiti tong lalaking to ee. Jusko mga bes. Para ngang kailangan mo pa atang bayaran yun ng isang libo para ngumiti ee. Nakakaloka. Why so serious kasi ng mukha nya?

Oh Nevermind.

Busy kasi ko sa pagmamake up kaya hindi ko sya pinapansin. Nadistract lang ako nung kinuha nya yung mga jems ko, sorry. I mean, yung make up kits ko.

"Its English class, not Cosmetology" sabi nya at hawak yung blush on at lipstick ko. Nakakaloka. Pero infer, bagay sa kanya.

"Sir, mukhang ano aa. Alam nyo din bang gamitin yan? Kayo aa? May tinatago pala kayong secret" pangaasar ko. Trip ko syang ma beastmode.

"Just keep your stuffs" sabi nya sabay baba ng blush ons at lipstick na muntik pang mahulog sa arm chair ko.

"Ay defensive? Ganern?" Pangaasar ko.

"Alright. Before we begin, I--" magsspokening na sya in front of the class kaso nag ring phone ko. So ako na agaw eksena.

Sinagot ko yung nasabing tawag. Si Arnie lang pala.

"Hello bakla?" Sabi ko. Regardless kung may prof sa harap ko. Sabi ko in my most normal tone.

"Excuse me--" sasawayin sana ko ni Sir. Randy kaso inunahan ko na sya.

"Shhhhh!" Sabi ko sabay signal na wag akong guluhin. Talagang naka 'back off' sign pa yung kamay ko. Oh, Kapal fezlac diba? Pwes. Masanay na sya sa pagiging kontrabida ko.

"Okay Sir. Go ahead" sabi ko after naming magusap ng gaga. Kaya naman pala wala pa, may sakit daw. Tinatablan pala sya ng sakit? Hindi ako naorient.

The Devil in Suit and Tie [Ang Terror Kong Prof]Where stories live. Discover now