Chapter 15: Basic

9 0 0
                                    

Betty:

Kinabukasan. Maaga kong nagising sa hindi alam na kadahilanan. Ang weird lang talaga, bakit iba yung gising ko ngayon?

Una kong hinahawakan yung phone ko, eversince kasi kada pag-gising ko phone ko talaga una kong hinahanap. Unexpectedly, may morning text si Dennis.

Good morning. Have a nice day! Free ka ba mamaya? Gusto sana kita ayaing mag lunch. Pero kung okay lang, tayong dalawa lang sana. Sana makapunta ka.

Parang may pandidiri akong binagsak yung phone ko sa kama. Ang aga-aga naman mga bes. Jusko Dennis, hindi porket gwapo ka ee, rurupok na lang ako sayo. Pahard to get muna ko.

Maaga kong nagayos para sa school. Nakakatamad naman kasi kung hihilata pa ko at hindi pa ko magpre-prepare sa pagpasok. At least kahit papano habang sa shower makakapag muni-muni pa ko.

"Dennis, Randy. Randy, Dennis. Urgh" sila lang talaga yung pumapasok sa isip ko. Langya, na invade na nung dalawa yung utak ko.

Pagkatapos kong maligo at magayos. Bumaba na ko kahit na sa lobby na lang ako maghihintay kayla Arnie. Wow, ang aga ko unlike before na naghihintay talaga sila sakin. Ngayon, ako ang maghihintay. Ngayon ko lang tuloy maexperience maghintay, ganito pala yung feeling. Charot

Nasa may mga sofa set ako sa may lobby at nakatulala ako sa elevator. Sakto naman nung pagbukas nito eh si Randy ang lumabas.

"What the fck" sabi ng inner self ko. Masyado namang biglaan to bes. Hindi ko talaga ineexpect.

Tumingin sya sakin. I swear, nagkasalubong yung tingin nya sakin pero inalis nya din at pumunta sa direksyon ng basement sa may parking lot.

Talagang strangers na lang ata kami, back to basic. Tss.

"Oh bakla, himala ata ang aga mo?" Sabi ni Arnie nung nakita nya ko sa lobby.

"Tara na, pasok na tayo" aya ko kaso etong si bakla umorder pa sa Cafe France ng breakfast.

"Nakakaloka ka bakla, ang aga mo. Ano nakain mo, kumain ka na ba?" Tanong ni Arnie.

"Not yet, pwede sa 7eleven na lang tayo kumain? Daan muna tayo kahit saglit" sagot ko.

Kahit si Stacy na nasa kotse nagulat din nung wala pang 5 mins eh kasama na ko ni Arnie. Usually talaga, halos 30 mins na ata ang pinakamabilis na paghihintay nila. Ngayon lang talaga yung sobrang aga.

"Ano ba Stace? Inlababo tong impaktang to. Tignan mo naman oh?" Sabi ni Arnie.

"Hahaha. Truelaloo" sagot ni Stacy at may pag appear pa sila ni bakla.

Tulad ng sabi ko, dumaan muna kami sa 7eleven para dun bumili ng almusal. As in, maaga pa naman kaya may time pa para dun na kumain at tumambay kahit sandali.

Nung nasa loob na kami. At sa kamalas malasan na nabayaran na namin yung mga binili namin. Sakto nung papunta na kami s- may available dine-in table. Eh walangya naman, andun si Randy.

Bat ngayon ko lang napansin na si Randy yun? Samantalang dun pa kami dumaan bago kami mamili? Shet. Ang awkward nito.

"Ay, sir. Omaygad" bati ni Arnie.

"Good morning Sir" bati naman ni Stacy.

"Oy, hi" bati naman ni Randy at may slight na tango. Ayun na yung respond nya, saka isang pilit na ngiti. Jusko, que daming pagkain sa ref sa 7eleven pa kumakain ng microwabable foods.

"Sir, pwede pa share?" Sabi ni bakla.

"Fck. Wag na. Nanadya ka ba?" Bulong ko sabay tapak sa paa nya.

The Devil in Suit and Tie [Ang Terror Kong Prof]Where stories live. Discover now